CHAPTER 38: From Excitement, to Fear

1.5K 43 220
                                    

[edit] I forgot to dedicate, again.

This chapter is dedicated to justine_clars

⚠️: harassment

Chapter 38: From Excitement, to Fear

Nang sunduin ako ni Kuya Yuri sa bahay ay binigyan agad ako ni Lei ng camera. Kailangan daw naming mag-video para sa YouTube content ng bagong group na irerelease soon. Nakaka-excite naman 'to.

Naiwan naman si Ashi kay Ate Leni. Miss ko na agad ang baby ko.

Naka-video kami habang nasa biyahe. Si Lei lang ang kasama ko ngayon. Sabi niya nasa studio na daw yung tatlo. Kaya medyo boring sa biyahe.

"Sabi ko na nga ba hindi ka mag-aayos eh." disappointed na sabi ni Lei habang nagkakamot sa ulo.

"Bakit ba kasi kailangan ko pang mag-ayos eh mag-mementor lang naman ako?" reklamo ko.

"Tanga, kailangan mo nga mag-ayos para presentable kang tignan. Tsaka dapat istrikto ka sa kanila para hindi sila masanay na mabait yung mentor nila." sabi niya.

Napa-iling nalang ako. Ang bibig talaga ni Lei, hindi niya mapigilan minsan. Mahihirapan nanaman ang editors na mag-edit ng vlog na 'to sa kaka-censor.

Kinuha niya ang bag niya tsaka siya nag-labas ng kung ano-anong alahas.

"Oh, mabuti nalang nag-dala ako. Bilisan mo na." utos niya sa'kin.

"Bakit ba kasi mag-aayos pa?" reklamo ko ulit.

"Kailangan mo nga mag-paganda."

"Mag-mementor lang naman ako, hindi naman ako mag-coconcert. Baka magalit pa sa'kin si Paulo pag ayos na ayos akong nakaharap sa juniors natin." kunot noo kong sabi.

Natawa nalang siya. Ako naman ay hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Naka-high ba 'to?

"Sige na kasi. May ishoshoot din daw tayo mamaya kaya mag-ayos ka." aniya pagkatapos niyang tumawa.

"Bakit hindi mo pa sinabi sa'kin kanina nung tumawag ka? Edi sana doon na ako sa bahay nag-ayos." reklamo ko nanaman.

"Dami mo namang reklamo, buntis ka ulit 'no."

Napa-hampas ako sa noo ko at gamit ang isa ko pang kamay ay tinakpan ko ang bibig niya.

"Ikaw, kung ano anong sinasabi mo. Baka nakakalimutan mong may mga batang nanonood ng content natin." paalala ko sa kaniya. "I-cut niyo 'yon ah, i-cut niyo 'yon." seryoso kong sabi habang nakaturo sa camera.

Si Lei naman ay tatawa tawa nang maalis na niya ang kamay ko sa bibig niya.

"Halika na, aayusan na kita." wika niya sabay kalkal sa mga make up niya.

"Wag na nga sabi!"

"Tanga! Magsisisi ka mamaya pag hindi kita inayusan! Ikaw na nga yung aayusan aayaw ka pa, sipain kita diyan e." kunot noo niyang sabi.

I rolled my eyes then sighed in irritation. Hinayaan ko nalang siyang gawin ang gusto niya para wala na siyang masabi at para matapos na rin 'to.

"Magpalit ka din ng damit mamaya para dirediretso na tayong makapag shoot after ng mentoring mo. May dala ako dito, don't ya worry." aniya habang nilalagyan ako ng eyeshadow.

"Ano bang ishoshoot natin mamaya?" tanong ko.

"Bola."

Bahagya akong kumayo tsaka ko siya sinimangutan. Habang siya naman ay tatawa tawa lang.

Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon