CHAPTER 35: Lost

1.7K 39 214
                                    

⚠️: medyo malala.

Chapter 35: Lost

I hid the vitamins that the doctor gave to me earlier. Nang maayos ko na ang laman ng bag ko ay tsaka lang ako tuluyang pumasok sa loob. Pinagkasya ko na nga lang sa maliit na bag ang sandamakmak na gamit.

It's already 12:00 noon so I expected that they're already finished eating lunch. Naabutan ko si Ate Leni na nag-huhugas ng pinggan sa lababo. I went there to see what they ate for lunch.

"Wow, menudo." sambit ko nang makita ang laman ng kaserola.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Ate Leni.

"Hindi pa nga po eh. Kakain palang po ako. Mukang masarap po yung luto niyo." the smell is so good. It's very mouthwatering.

Nag-handa na muna ako ng pagkain para sa sarili ko. Hindi rin kasi ako nag-agahan. Gutom nanaman si baby. My OB told me to eat a lot of nutritious food.

Marami akong nakain. Bukod sa masarap ang luto ni Ate Leni, gustong gusto ko rin ang amoy. I think my baby likes it so much. Hinaluan ko nga rin ng ketchup yung sabaw at naging mas masarap pa.

Uminom ako ng tubig tsaka sumandal sa upuan pagkatapos kong kumain. My stomach bloated because of so much food that I ate. Mas feel ko tuloy ngayon si baby. Ayan ha, busog ka na.

Ako na ang nag-hugas ng pinagkainan ko pagkatapos kong kumain. Dumiretso na rin ako sa taas. Dumaan muna ako sa kwarto ni Ashi. Naabutan ko siyang nag-dadrawing sa kama niya. Don't worry Ashi, you're going to be a brother soon. May makakalaro ka na.

Mahina kong isinara ang pinto para hindi ko na siya maistorbo. Dumiretso nalang ako sa kwarto namin ni Paulo. Pagbukas ko ng pinto ay rinig ko ang mahihinang pag-hikbi na nagmumula sa loob.

Kumunot ang noo ko at luminga sa paligid. There I saw Paulo sitting on the floor, his back is leaning on the wall, his legs are curled up and his hands gripping onto his hair.

I felt like my heart just got crushed when I saw him. He's crying silently, hurting silently. He's not a vocal person when it comes to his feelings. So it just breaks my heart to see him cry like that.

I dropped my shoulder bag on the floor then walked slowly towards him. Nang matapatan ko na siya ay dahan-dahan kong ibinaba ang sarili ko.

"Pau..." I whispered his name.

Nanginginig ang mga kamay ko nang itaas ko iyon para abutin ang ulo niya. Wala na akong naririnig na hikbi mula sa kaniya, marahil ay pinipigilan niya.

Nang tumama ang palad ko sa buhok niya ay tsaka siya humikbi nang malakas na parang may masakit sa kaniya.

"Paulo..." nanginginig ang boses ko dahil pakiramdam ko ay maiiyak na rin ako.

He slowly looked at me. His both cheeks was so wet because of his tears.

"Wag na kayong umalis." aniya sa nakikiusap na boses.

I looked down because there's no turning back now. I already had a deal with Ken. May iisang salita ako.

Pero may parte sa utak ko na sinasabing wag nalang akong tumuloy, na dito nalang kami, na tiisin ko nalang ang lahat ng sakit para makasama si Pau.

We're both hurting. Oo, nasasaktan ako, nahihirapan ako. At mas lumalala pa ang sakit na nararamdaman ko ngayong nakikita ko siyang ganito. Paano pa kaya kung umalis na kami?

"Ashley, wag na kayong umalis. Please. Gagawa ako ng paraan para gumaling si Ashi nang hindi kayo umaalis sa tabi ko. Hindi ko kayo pababayaan. Please, Ashley?" he begged one more time.

Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon