CHAPTER 16: My Flower

1.2K 37 60
                                    

Note: Unedited

Chapter 16: My Flower

Hindi ko na maitago ang ngiti sa aking labi dahil sa mga nangyayari. Pati si Paulo na nasa gilid ko ngayon ay halatang nagpipigil din ng ngiti.

Hindi naman siguro masama kung sundin ko naman ngayon ang magpapasaya sa akin 'di ba?

"Uhh, uuwi ka na ba? Ihahatid na kita." aniya.

Tumango ako. "Sige, uuwi na ako. Salamat nga pala dito. Tsaka sa time." nakangiti kong sabi.

"Salamat din..." he said then smiled sweetly at me.

Tinulungan ko na siya sa pag-sisinop ng mga pinagkainan namin. Pagkatapos ay inayos na din namin ang mga gamit dito sa studio. Pinatay na namin ang mga ilaw at ang aircon.

Parehas kaming nag-suot ng face mask. Ang kaibahan lang ay may suot siyang cap. Magkasabay kaming nag-lakad papunta sa kung saan nakaparada ang kotse niya.

Pinag-buksan pa niya ako ng pinto na ikina-ngiti ko. Kahit naman siguro ngumiti ako ng malawak ay hindi niya makikita dahil sa face mask ko.

"Thank you." I said then he just nodded.

Sumakay na din siya sa driver's seat tsaka binuhay ang makina ng sasakyan. We took off our mask then he began driving. Tinted naman ang kotse kaya walang makakakita sa amin.

Naging tahimik ang biyahe namin papunta sa condo. Medyo padilim na din kaya medyo kinakabahan na ako dahil baka hinahanap na ako ni Ashi.

Tanging maliliit na ngiti at sulyapan lang ang ginagawa namin. Paniguradong nagkakahiyaan kami parehas dahil na rin sa kanina.

Ipinasok pa niya sa parking ang kotse kahit na sinabi kong sa labas nalang. Baka kasi magtagal pa siya. Kaya lang pinilit niya ako. Kaya pumayag nalang din ako.

"Salamat." wika ko nang patayin na niya ang makina.

"No problem." he replied.

Nagkatinginan pa kami ng ilang segundo habang may maliit na ngiti sa labi. Tsaka kami nahihiyang tumawa at umiwas ng tingin sa isa't isa.

"Sige na. Mauna na ako. Salamat ulit. I-Ingat ka." paalam ko.

He nodded. "Ingat ka rin. Gusto mo bang ihatid kita sa unit mo?"

Agad akong umiling. "Hindi na, baka masyado na akong nakaka-abala. Tsaka gabi na din oh. Aabutan ka pa ng dilim sa daan. Bumiyahe ka na pauwi. Ayos na ako dito. Salamat." sunod-sunod kong sabi. Tsaka bukod pa doon, makikita din niya si Ashi. Ay hindi iyon pwedeng mangyari, sa ngayon.

He chuckled. "Oh sige. Salamat din. Next time ulit?"

Tsaka ko lang narealize na ang dmai ko palang sinabi. I shyly smiled. "Next time ulit."

He gave me a smile of victory.

"Uhm, siya nga pala. Would you mind if I ask you something?" tanong niya.

"Ayos lang. Ano ba 'yon?"

Ipinasok niya ang kamay niya sa bulsa niya tsaka niya kinuha ang wallet niya. May kinuha siya doon tsaka niya iyon ipinakita sa akin.

Ganon nalang ang biglang pag-bilis ng tibok ng puso ko nang makita ko iyon.

"Nakita ko kasi 'to somewhere..." mahina niyang sabi habang sinusuri ang hikaw.

Ang kapares ng hikaw kong nawala noon sa resort.

"Familiar ba 'to sa'yo? I mean, baka kilala mo kung sino yung may-ari?" he asked.

Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon