⚠️: malala? Kayo na mag judge.
Special Chapter: Just the Two of Us
Dinala dito sa bahay ang mga regalo samin gamit ang van nina Paulo. Napakarami kasing regalo sa amin kaya hindi na nagkasya sa kotse ni Pau.
Tumulong din ang mga kapatid ni Paulo sa pagpasok sa bahay ng mga regalo. Yung mga pagkain rin na natira kanina sa reception ay pinaghati-hatian namin dahil sayang naman.
"'Yan na ba lahat?" tanong ni Mommy Grace.
Tumango sina Paulo. "Wala na." sagot niya.
"Oh sige, mauna na rin kami at mukang inaantok na si Ashi."
"Ay, teka lang po pala. Kukunin ko lang po sa taas yung mga gamit ni Ashi." paalam ko.
Nagmamadali akong umakyat sa ikalawang palapag at dumiretso sa kwarto ni Ashi para kuhanin ang mga gamit niya. Doon kasi muna siya kina Mommy Grace tutuloy for one week. Habang kami naman ni Paulo ay haharapin ang honeymoon namin.
Kinuha ni Paulo ang bag na dala ko tsaka kami lumabas at pumunta sa van nila Mommy. Yumakap na ako sa baby ko dahil isang linggo ko rin siyang hindi makakasama.
"Mamimiss ka ni Mama." sambit ko habang nakayakap sa kaniya nang mahigpit.
"Mimiss din po kita Mama." he replied.
"Kiss nga si Mama?"
He quickly gave me a sweet kiss on my cheek. And I smiled widely because of that.
"Paalam ka na rin kay Papa mo."
Iniharap ko siya ay Paulo at agad naman siyang binuhat ni Pau. Hinalikan din niya sa pisngi ang Papa niya tsaka niya ito niyakap.
"I love you Papa." he said.
Paulo chuckled. "I love you too. Hindi mo ba 'ko mamimiss?"
"Mimiss po."
"May mga kalaro ka naman do'n, yung mga pinsan mo tsaka mga tito, tita mo."
"Tita Alex is so kind to me, Papa." Ashi boasted.
Pare-parehas kaming natuwa dahil sa ka-cutan ni Ashi.
"Sige na kailangan niyo nang umalis. Pagabi na rin, bibiyahe pa kayo." wika ni Pau.
Nag-paalam pa ulit kami kay Ashi at kala Mommy Grace bago sila tuluyang umalis. Inakbayan naman ako ni Paulo habang nakatingin parin sa van na papalayo.
Nang mawala na sa paningin namin ang van ay agad kaming nagkatinginan tsaka kami parehas na ngumiti.
"Tara na." aya ko sa kaniya.
Nauna na akong pumasok sa loob dahil isinara pa niya ang gate. Inayos ko rin kahit papaano yung mga regalo sa amin dahil ang kalat sa sala. Pati yung ilang pagkain lalo na yung cake, inayos ko rin. Mabuti nga at kumaunti yung cake kasi nag-uwi sila Mommy Grace at yung ilang bisita, binigyan rin ni Paulo ng malaking parte si Ken dahil alam naman naming mahilig siya sa cake.
"Ibababa ko pa yung ibang nasa kotse." paalam niya sa'kin.
Tumango nalang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Hindi ko rin naman ito maisisinop lahat ngayong araw dahil napakarami ng mga 'to. Bukas ko na aasikasuhin o kaya sa ibang araw.
After a few minutes of fixing everything, I decided to go upstairs. Sarili ko naman ang aayusin ko ngayon. Medyo naiirita na kasi ako sa make up na nakalagay sa muka ko. Gusto ko na rin mag-shower dahil nalalagkitan na ako sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]
FanfictionBeing in an idol group and having a celebration party with the most famous talent entertainment agency is a must. But what if you woke up, lying on the bed with your senior, both undressed. WARNING! This story contains mature scenes. Read at your ow...