[edit] Nakalimutan ko lagyan ng warning.
⚠️: medyo
Dedicated to Shannnyannnn labyu.
Chapter 37: Move Forward
We're on our way to the precinct right now. Aries called us earlier saying that Nalhi's Mom finally agreed to be interrogated. I mean, hindi siya pumayag pero ang sabi sa akin ni Nalhi ay kinausap daw ng Daddy niya ang Mommy niya para pumayag.
She also said that her father is not afraid of us. Hindi daw siya natatakot dahil may pera siya, may kapangyarihan siya, koneksyon at higit sa lahat ay abogado siya.
But Aries was proud of himself too. Marami naman daw siyang ebidensya.
Nang makarating na kami sa presinto ay agad naming nakita si Aries at Nalhi na naghihintay sa labas. Si Paulo lang ang kasama ko ngayon. Si Ashi naman ay nandoon kina Tita Grace.
"Good, you two are here. Pasok na tayo sa loob." Aries said.
Tumango nalang kami at sumunod. Narinig ko na pupunta rin sila Lei, Ylene at Zyn pero susunod nalang daw sila.
Pagpasok namin sa loob ay pinapunta kami ng isang babae sa isang kwarto. Dito ata magaganap ang interrogation. Sa loob ng kwarto ay may isa pang maliit na kwarto kung saan doon ginagawa ang interrogation. Sa labas no'n ay may mga speaker kung saan maririnig ang pinaguusapan sa loob, pero hindi maririnig sa loob ang mga tunog dito sa labas. May salamin din na tinted sa loob ngunit kitang kita naman dito sa labas.
And inside the room, there I saw Nalhi's Mom. Quietly sitting with class and a serious face. Hindi parin talaga nawawala ang itsura niyang mayaman.
"Magsisimula na ba tayo o hihintayin pa natin sila?" Nalhi asked pertaining to the three girls.
Pare-parehas kaming napalingon sa pinto nang bumukas iyon.
"Ayan na pala sila eh. Magsimula na tayo." sagot ko.
Nalhi nodded then looked at the lawyer that my brother hired. May mga private investigators din dito na hinire din ni Aries. Hindi naman halata na marami siyang pera.
"So, let's start the interrogation now ma'am, sir." the lawyer said.
We nodded.
"Kailangan lang po na may pumasok na isa o dalawang lalaki na pinagkakatiwalaan niyo para ho kung sakaling may mangyari ay may makatulong kayo para mapigilan 'yon." wika ulit ng abogado.
"Kami na ang bahala Sir." Aries said before looking at Pau. Tumango naman agad si Paulo.
"Let's go." aya ni Nalhi.
Nauna siyang pumasok at sumunod naman ako. Walang reaksyon kaming tinignan ng Mommy ni Nalhi. Isinara na nila ang pinto at pumwesto sa dalawang corner ng kwarto si Aries at Paulo. Kami naman ni Nalhi ay naupo sa harapan ng Mommy niya. May maliit na lamesang pumapagitan sa amin.
Bahagyang tumaas ang isang kilay niya at dumikwatro pa. Pinagkrus din niya ang braso niya sa dibdib niya tsaka mataray na tumingin sa amin.
I sighed then took a glance at Nalhi. She will be the speaker now and I'll just talk whenever I need to say my opinion. Nilingon din niya ako tsaka tinanguan. We both looked back at her Mom.
"I don't want to waste my time. Just get straight to the point." her Mom said.
Nalhi sighed. "Umamin ka nalang Mommy, para hindi na tayo mag-tagal."
"Who's a stupid person that will confess his crime in front of the victims? Who Nalhi?" nang-iinis niyang tanong. Naka-ngisi pa siya.
"Bakit ang dali para sa'yo na manira ng ibang tao?"
BINABASA MO ANG
Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]
FanfictionBeing in an idol group and having a celebration party with the most famous talent entertainment agency is a must. But what if you woke up, lying on the bed with your senior, both undressed. WARNING! This story contains mature scenes. Read at your ow...