Chapter 31: It Was You
Napaalis naman nila Miss Prima ang mga taong nasa labas kanina. Mabuti nalang at napakiusapan sila. But Miss Prima warned me to stay alarmed when I'm outside. Baka daw kasi maulit nanaman ang pangyayari kanina at masaktan ako.
Miss Prima told me to talk to Nanay regarding the issues and accusations about me. Ang gusto lang sana ni Miss Prima ay malinis ang pangalan ko. Dahil hindi naman talaga totoo ang laman ng article na 'yon.
But knowing Nanay, her heart is like a block of ice. Hard and cold. Kaya kahit na anong pakiusap ko sa kaniya ay iniignora niya. Pati nga si Miss Prima ay sinubukan siyang kausapin, pero wala parin talaga.
Ang ending bigo kaming lahat. At ang tanging magagawa nalang namin ay manahimik at hayaang matabunan ang issue na 'yon.
Kinabukasan, tinawagan ako ni Aries. Sinabi niya na may libreng oras siya ngayon para puntahan namin yung sinasabing law firm kung nasaan ang Daddy ni Nalhi.
I fixed and redied myself for what is about to happen. Kailangan kong maging handa sa mga mangyayari. At kung ano man ang kalalabasan ng gagawin namin, maluwag naming tatanggapin.
"Alis muna kami." paalam ko kay Pau.
He sighed. "Sigurado ba kayo sa gagawin niyo?"
I tilted my head. "Bakit naman hindi? Kakausapin lang naman namin siya."
"I mean, he's a lawyer. Makapangyarihan siya, may kaya, maraming connections. Hindi ba parang nanghihimasok kayo sa gagawin niyong 'yan? Bigla nalang kayong susulpot do'n at mag-tatanong ng tungkol sa magulang niyo. Nag-aalala lang ako, baka kung anong gawin niya." paliwanag niya.
Napa-tango ako. I understand where he's coming from. "Naiintindihan ko. Susubukan namin siyang kausapin sa maayos na paraan. Kung hindi siya pwede ngayon mismo, edi mag-fifile kami ng appointment. Ayaw na naming idamay si Nalhi dito. Kaya kami nalang ang gagawa."
"Basta ingat kayo. At pag nalaman niyo yung totoo, pigilan niyo yung sarili niyo. Wag kayong magpapadala sa galit." bilin pa niya.
I smiled then nodded. Niyakap ko siya at niyakap din naman niya ako pabalik. Pinatakan pa niya ako ng halik sa ulo.
"Thank you. Noted sir." I said.
He nodded. "Sige na. Umalis na rin kayo para maaga kayong makabalik. Baka mag-tampo nanaman si Ashi."
I nodded. I tiptoed then pulled his nape to give him a quick kiss on his lips. Pagkatapos ay tuluyan na akong nag-paalam sa kaniya pati kay Ashi.
Wala nang paligoy ligoy pa si Aries nang sumakay ako sa kotse niya. Pinaandar agad niya ang kotse at nag-drive papunta sa law firm.
"Ano sa tingin mo? Siya kaya 'yon?" tanong niya.
I shrugged. "Pwedeng siya nga, pwede ring hindi. Pero kahit ano pa yung maging kalabasan, wag tayong maging padalos dalos. Mas mabuting pag-paplanuhin muna natin yung mga susunod nating gagawin para wala tayong pag-sisihan sa huli."
He nodded in agreement.
"Just calm down Kuya. Don't let your emotion reign you."
"Will do little sis."
Medyo malayo din yung law firm kaya medyo natagalan kami sa pag-punta. Pagdating namin ay sabay kaming bumaba sa kotse.
I sighed while looking at the decent looking law firm. This is it.
Pinauna niya akong pumasok sa loob. Siya pa ang nag-bukas ng pinto para sa akin. We went directly to the information desk.
"Excuse me. Is Attorney Wayne Ivan Ferrer here?" I asked politely.
BINABASA MO ANG
Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]
FanfictionBeing in an idol group and having a celebration party with the most famous talent entertainment agency is a must. But what if you woke up, lying on the bed with your senior, both undressed. WARNING! This story contains mature scenes. Read at your ow...