Note: unedited.
Chapter 13: Look Alike
Wala na kaming masyadong interactions pagkatapos ng nangyaring bigayan ng regalo. Sa pagkakaalam ko kasi, malapit na mag comeback ang seniors namin kaya siguradong busy sila ngayon sa The Zone.
Kami naman, busy rin. Kinabukasan ng hapon na ang concert kaya sobrang busy namin. Late na nga ako nakauwi kanina.
Natutulog na si Ashi dahil gabi na. Ako naman ay inaayos ang sarili ko para bukas. Dapat nga magkakasama na kami ngayon sa hotel pero pinagbigyan parin ako ni Miss Prima na umuwi para kay Ashi.
"Anong oras ka uuwi bukas? Makakauwi ka pa ba?" tanong ni Joan.
I sighed. "Hindi ko alam eh. Siguradong madaling araw nanaman. Alam mo namang busy tuwing may concert. Tsaka hatinggabi na kami natatapos. Mag-aayos pa kami after the concert." sagot ko. "Pasensya na ah. Ginawa na kitang nanny ni Ashi."
"Ash, as long as may libreng pagkain, aircon at mabilis na wifi, gora lang." she said in reassuring tone.
I chuckled. "Apat na taon ka nang ganiyan. Anong balak mo sa buhay mo?"
"Hayaan mo na. 'Di naman ako pupuntahan dito ng mga asawa ko sa Korea. Kung hindi sila, wag nalang." natatawa niyang sabi.
Mabuti nalang talaga may tropa akong gaya niya.
"Nga pala Joan, siguro ipasyal mo nalang bukas si Ashi. Pagurin mo para matulog kaagad at hindi na ako hintayin. Sigurado kasing madaling araw na akong makakauwi." sambit ko.
"Saan naman kami pupunta? Lalabas kami ng condo?"
I nodded. "Pwede naman sa mall."
"Sure ka? I mean, baka may makapansin sa pagkakahawig nila ng Papa niyang sikat. Baka mamaya sumikat din bigla si Ashi." paninigurado niya.
Umiling ako. "Hindi 'yan. Ano namang iisipin nila? Na may hidden son si Pau? Eh alam naman ng lahat na busy yung mga 'yon at hanggang ngayon single parin silang lahat. Pwera nalang kung may patago silang ina-admire or nililigawan." nag-kibit balikat pa ako.
"Ganon? Single parin sila? Eh pwedeng pwede na sila mag-settle ah. Mapera na sila tsaka sikat, tsaka nasa 30's na sila. Sayang naman yung genes." aniya.
Mahina nalang akong natawa.
"Ay, naibahagi na nga pala yung genes nung isa." nag-takip pa siya ng bibig habang pinapalita lipat ang tingin sa aming dalawa ni Ashi.
Pinandilatan ko siya. "Baliw ka talaga."
She chuckled. "Bahala ka ah? Mag mo-MOA kami bukas."
"Sige, ikaw bahala. Basta sundin mo lahat ng gusto, bilan mo ng kahit ano basta mapagod siya. Tapos pag uwi niyo dito sa bahay, sabihin mo matulog na siya kahit wala pa ako, pagkagising niya nasa tabi na niya ako." kumuha ako ng pera sa wallet. "Oh, gamitin mo bukas."
Ngiting ngiti niya iyong kinuha sa kamay ko. "Wow, pwede mag-shopping?" she asked grinning.
Tumango nalang ako. "Bahala ka sa buhay mo."
"'Yon! Thank you. Hulog ka talaga ng langit Ashi." pabiro niyang sabi.
Mahina nalang akong natawa. Ibinalik ko na ang mga gamit ko at nahiga na din. Pinatay ko na ang lamp shade tsaka ko niyakap si Ashi.
Sorry baby, mala-late nanaman ng uwi si Mama. Hindi ko rin naman siya matitiis kaya pagkatapos ng mga gagawin namin uuwi rin agad ako.
I just found myself staring at his face. He looks so cute while sleeping. With his chubby cheeks and beautiful eyelashes, his thick eyebrows and pouty lips. Magkamuka nga talaga kayo.
BINABASA MO ANG
Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]
FanfictionBeing in an idol group and having a celebration party with the most famous talent entertainment agency is a must. But what if you woke up, lying on the bed with your senior, both undressed. WARNING! This story contains mature scenes. Read at your ow...