Chapter 3: Stairs
Medyo humupa naman na ang pag-susuka ko noong mga nakaraang araw. Hininto ko na din kasi ang pag-papagabi sa studio. Mabuti naman at nakisama ang katawan ko.
May Facebook live ata kami ngayon pagkatapos ng training kaya maaga akong gumising para gumayak. Pag-pasok ko sa banyo ay ang underwear ko agad ang tinignan ko. Ngayon kasi ang schedule ng period ko. At iyon nalang ang pinanghahawakan ko na hindi nga ako buntis.
My lips automatically formed a smile when I saw bloodstains on my underwear. Yes! Sabi ko na nga ba over fatigue lang 'yon. I had my period! It means, I am not pregnant and I'm not going to be a mom yet!
Don't get me wrong, it's not that I don't want the child. Ang ayaw ko lang ay yung timing. Syempre, gusto ko din ng sarili kong pamilya. Pero hindi pa ngayon ang tamang oras para doon.
I wanted a happy family for myself when I became successful enough. And I wanted to get married to a person that I love wholeheartedly, and a person that loves me too 'till death do us part.
And it's not Paulo. Hindi siya para sakin.
I admit that he is attractive and I like him. I also like his co-members but I like him the most. I don't know why. I just have a little crush on him when I was a trainee and it grew as the day passes. And it got deeper when the celebration night happened.
I didn't know that a person can fall in love with a man that he or she idolize. It kinda sucks to be a fan.
And because I was in a good mood today because I had my period, I went to the studio early. Hindi naman kasi talaga ako nali-late. Pag usapang late, si Nalhi ang makaka-relate diyan.
"Oh, ayos ka na ba? Blooming ka na eh." bungad ni Lei nang makapasok na ako sa studio.
"Ikaw palang nandito?" tanong ko.
"Hindi, may kasama tayo. Ayun siya oh." sarkastiko niyang sabi, tinuro pa niya ang corner ng studio.
Tumingin naman ako sa lugar na itinuro niya. Pero pag tingin ko do'n ay wala namang tao.
"Siraulo ka ah. Wag mo nga akong niloloko ng ganyan. Alam mo bang minumulto ata ako dito. Ang creepy dito tuwing gabi pag naiiwan akong mag-isa. Last time nga may narinig akong tumunog sa labas ng pinto tapos pag-tingin ko, wala namang tao." kwento ko sa kaniya.
Tumakbo naman siya palapit sakin. "Hoy, siraulo ka tinatakot mo 'ko ah. Wala namang ganyanan."
"Hindi ako nag-jojoke. Promise! May nakita pa nga akong naglalakad sa hallway pero malabo kasi madilim eh." dagdag ko pa.
"AAAHHH!!!"
Sabay kaming malakas na sumigaw nang marinig namin ang pag-bukas ng pinto. Nag-yakapan pa kaming dalawa at pumikit din ako.
"Ginagawa niyo?"
Nag-mulat ako nang marinig ko ang boses ni Ylene. Pumasok siya sa pinto at sumunod naman sa kaniya si Zyn at Nalhi.
"Ang aga aga nag-tatakutan kayo." natatawang sabi ni Nalhi.
"Alam niyo bang dating sementryo 'to? Dito mismo sa kung saan nakatayo yung building."
Lahat kami ay natahimik at lumingon kay Zyn. Pano ba naman kasi, napaka-seryoso ng boses niya at ganon din ang muka niya.
"Okay Maze–"
"AAAHHH!!!"
Sabay-sabay ulit kaming sumigaw pwera nalang kay Zyn na mahinang tumatawa naman ngayon. Gulat at nag-tataka naman si Miss Prima habang naka-tingin sa amin.
BINABASA MO ANG
Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]
Fiksi PenggemarBeing in an idol group and having a celebration party with the most famous talent entertainment agency is a must. But what if you woke up, lying on the bed with your senior, both undressed. WARNING! This story contains mature scenes. Read at your ow...