CHAPTER 23: New Project

1.6K 39 76
                                    

Chapter 23: New Project

Pinili namin ni Pau na manahimik at wag na munang sumagot o mag-salita tungkol sa mga tanong ng mga tao. Naniwala nalang kami na lilipas din naman ang issue tungkol sa amin.

Inaayos na namin ang bahay namin dahil balak na naming lumipat doon sa lalong madaling panahon, ofcourse with Pau.

It wasn't that long too when we got to fix the house. May mga katulong naman kami sa pag-aayos. Kaya ilang araw lang ay nakapag lipat na kami ng mga gamit. Uunti-untiin nalang namin ni Paulo na iayos sa mga susunod na araw.

"Yey! Yey! Lilipat na!" Ashi shouted in delight when we got out of the car.

Tumakbo agad si Ashi papunta sa front door. Sinundan ko naman agad siya at binuksan ang pinto. While Pau, he went to close the gates.

When I finally opened the door, Ashi went in immediately. Sabay naman kaming pumasok ni Paulo sa loob.

I'm still amazed that we have our own house now. A house that we bought together. A house where the three of us will live together. I can't still sink in everything.

Isa ito sa produkto ng pag-sisikap ko, pag-sisikap namin. Produkto ng pag-hihirap namin sa pagtatrabaho sa araw-araw. Napaka sarap sa pakiramdam.

Magkahawak ang mga kamay namin ni Paulo habang umaakyat kami sa hagdan. Nasa harapan namin si Ashi para alalayan sa pag akyat.

We toured the whole house and decided to rest for a bit. From now on, we'll live here. All the three of us. Together.

Hapon na at natutulog si Ashi sa kwarto niya. Nandito naman kami ni Pau sa kwarto namin at may kanya kanyang ginagawa. Parehas kaming nag-cecellphone.

Well, mukang tungkol sa trabaho ang inaatupag niya. Ako naman ay tungkol din sa trabaho pero tapos na ako kaya tambay nalang muna ako sa social media.

I don't want to disturb him, that's why I decided to keep quiet and not to bother him for now. Gusto ko sana siyang kulitin at mag-pacute kahit kaunti pero pag usapang trabaho, iba na 'yon.

I was scrolling through my Facebook when I saw an article. At may litrato ko iyon kaya nakuha agad no'n ang atensyon ko.

Ano nanaman ba 'to? Tungkol saan nanaman?

"Ash."

I quickly looked at him. "Hmm?"

"Labas lang ako. Tinatawagan ako ni Sir Ian." paalam niya.

I nodded. "Sure, sure."

Lumabas na din siya agad sa kwarto at ibinalik ko naman ang pansin ko sa article na nakita ko.

Nakakunot ang noo ko habang binabasa ang article. What the hell is this all about? Hindi ko man lang alam na may tao nang nanghihimasok sa buhay ko. At ano 'tong mga pinagsasasabi niya? Mga kasinungalingan.

I never wanted Papa to die! Hindi ko ginusto 'yon! Hindi ko ginusto yung nangyari! Bakit naman ako matutuwa sa pagkawala ng sarili kong ama?

I felt disappointed and mad at the same time. Hindi ko alam kung sa taong naninira sa'kin o sa sarili ko. Nandito nanaman ako sa punto ng buhay ko na sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari.

I tried to stop my tears as much as I can. Bakit kung makapag salita siya, parang mas kilala pa niya ako kaysa sa sarili ko mismo? Bakit sinisiraan niya ako sa mga tao? Anong kailangan niya?

Inexit ko nalang iyon tsaka ko pinatay ang cellphone ko. Ako? Matutuwa sa pagkamatay ni Papa? Eh mas gugustuhin ko nga na ako nalang yung mamatay nung nawala siya eh. Sana ako nalang yung nasaksak. Edi sana nandito pa siya hanggang ngayon.

Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon