CHAPTER 32: Trauma

1.3K 38 56
                                    

Chapter 32: Trauma

We're on our way to the studio to settle down some things, including the issue between me and Nalhi. Kailangang wala kaming galit o hinanakit sa bawat isa bago kami gumawa ng isang bagay dahil hindi magiging maganda ang kalabasan kung hindi kami magkaka-ayos.

Sinundo kami ngayon ni Kuya Brent. Pero hindi gaya ng nakasanayan namin dati na maingay, kumakanta at puro daldalan sa kotse. Tahimik kaming lahat ngayon at ni-isa sa amin ay walang balak mag-salita.

Pero mukang mali ako.

"Kuya Brent! Kuya! Pwedeng paki-hinto po doon sa gilid? Yung may tindahan ng kamotecue tsaka bananacue?" hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag-salita.

"Ha? Oh sige, basta mag-ingat ka. Teka ako na pala yung bibili." aniya.

"Thank you Kuya! The best ka talaga." pacute kong sabi.

"Bakit naman natripan mong mag kamotecue?" tanong ni Lei.

"Eh bakit ba? Mukang masarap eh." sagot ko.

Hindi na ulit siya kumibo. Ipinarada naman na ni Kuya Brent ang van sa gilid kaya kumuha na ako ng pera.

"Eto po Kuya brent oh. Sampung stick po ng bananacue tsaka kamotecue. Salamat po." tsaka ko inabot sa kaniya ang five hundred pesos.

Kinuha na iyon ni Kuya Brent at hindi na nag-tanong. Lumabas na siya sa van tsaka bumili.

"Hoy, bakit ang dmai mong binili? Anong gagawin mo do'n? Mukbang?" sunod-sunod na tanong ni Lei.

"Bakit ba?" irita kong tanong. "Duh. Malamang hindi lang naman para sa'kin 'yon. Bibigyan ko din kayo tsaka si Kuya Brent at Miss Prima. Tapos yung matitira iuuwi ko sa bahay kasi gusto rin 'yan ni Ashi. Anong tingin mo sa'kin? Patay gutom?" sarkastiko kong sabi.

"Sorry naman. Eto naman, galit agad. Kalma sis, yung sus– I mean yung puso mo." panunukso niya.

Umiling nalang ako tsaka ko siya iniwasan ng tingin. Basta talaga kalokohan magaling iyang si Lei.

Bumukas ang pinto ng driver's seat at sumilip doon si Kuya Brent tsaka niya inabot ang supot na may lamang kamotecue at bananacue. "Eto na Ashley. Wala ka na bang ipapabili?"

Inabot ko yung supot tsaka ako muling naupo. "Uhm, ano pa po bang tinitinda nila?" tanong ko.

"Ahh, meron din daw silang banana chips tsaka bitso."

Nilingon ko silang apat. "May gusto ba kayo?" tanong ko.

"Nilalagnat ka ba?" biglang tanong ni Ylene.

Sinimangutan ko sila. "Bilisan niyo na habang na sa mood pa 'ko."

"Ako, banana chips." ani Lei na nag-taas pa ng kamay.

"Ako rin." sabay na sabi ni Ylene at Zyn.

"Ikaw Nalhi?" I asked.

Naiilang siyang tumingin sa akin at agad ding binawi. "A-Ah, s-sige." utal at mahina niyang sabi.

"Sampung banana chips na rin po Kuya Brent."

"Oh, sige. Baka gusto mo na rin ng tubig?" natatawang tanong niya.

I chuckled then shook my head. "May water dispenser naman po sa building."

"Sige, sandali lang."

Isinara ulit ni Kuya Brent ang pinto para bumili. Ako naman ay kumuha na ng bananacue at hindi na napigilang kumain. It's been a long time since I last ate this kind of street foods.

Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon