CHAPTER 12: Not So Special

1.1K 33 51
                                    

Note: unedited.

Chapter 12: Not So Special

We all started to clean up our mess when we finally finished rehearsing. Malapit na mag seven ng gabi at ngayon lang ako ginabi ng ganito pagkatapos dumating ni Ashi. Masyado kasing busy dahil sa dadating na concert.

Gustong gusto ko nang umuwi dahil nag-aalala na ako kay Ashi kahit na kasama naman niya si Joan. I can't help but to still feel worried. Napapraning ako. Hindi ko alam, naging ganito na ako mula noong naging ina ako.

"Ash, kalma. May hinahabol ka ba?" ani Lei.

"Gabi na. Kanina pa ako hinahanap ni Ashi." aligaga kong sabi.

"Oy, kanino 'to?" tanong ni Ylene.

Lahat kami ay tumingin sa gawi ni Ylene. I felt a bit of worried when I saw what she's holding. The paperbag. The gift from Paulo.

Dahil curious silang lahat ay isa isa silang pumunta doon tsaka niya inusisa ang box. Kinabahan ako kaya sumunod na ako sa kanila tsaka ko iyon kinuha.

"Ahh, kay Ashley pala eh." ani Nalhi.

"San galing 'yan?" tanong ni Lei.

"Kay Kuya Pau." sagot naman ni Zyn.

"Binigay niya sa'yo kanina?" tanong naman ni Ylene.

"Yadang, alam mo duda ako kay Kuya Pau. Crush ka ata no'n eh." sunod na sabi ni Lei.

"Oo nga! Kanina umiiwas ng tingin nung magkausap kayo ni Kuya Stell. Baka nag-seselos." dagdag pa ni Nalhi.

"Bakit ka niya binigyan ng ganito? Ano bang laman?"

"Nililigawan ka ba?"

"Huy, pano si Ashi? Hala ka."

"Ayaw niyo 'yon? Para happy family na sila."

"Ang iingay niyo!" sigaw ko na nakapag patigil sa daldalan nila.

Iniwan ko nalang sila habang dala parin ang regalo ni Paulo. Sa totoo lang napaisip din ako sa mga tanong nila. Pero tsaka ko na 'yon iisipin. Sa ngayon, gusto ko nang umuwi.

"Pero totoo nga? Kay Pau 'yan galing?" tanong ni Ylene na pumunta pa sa tabi ko para lang tsumismis.

"Oo." simpleng sagot ko.

"Iiihhhh!" sigaw niya habang kinikilig. "Sana all. Anong laman?" tanong pa niya.

Dahil sa sigaw ni Ylene ay nagsipuntahan na din dito yung tatlo. Nakatingin tuloy silang lahat sa akin habang naghihintay sa sagot ko.

"Wala. Relo lang." sagot ko habang nag-aayos parin.

"Relo? Bakit ka ba niya niregaluhan?" tanong ni Nalhi.

"Nako Ash. Mukang makikita na ni Ashi yung ka-look alike niya ah." sabat pa ni Zyn.

"Kung ano anong iniisip niyo. Sabi niya regalo lang daw niya para sa anniversary ng grupo natin." paliwanag ko.

"Regalo para sa anniversary natin? Eh bakit ikaw lang yung niregaluhan? Favoritism ganon?" reklamo ni Lei.

"Bakit? Ikaw ba kasi yung gusto?" pambabara naman ni Zyn kay Lei.

"Epal talaga nito." reklamo ni Lei.

"Tapos ano pang sabi?" tanong naman ni Ylene.

"Wala na, 'yon lang." mas hahaba pa ang usapan pag sinabi ko sa kanila yung tungkol sa isa pang sinabi ni Paulo. Sa susunod nalsng ako mag-kekwento.

Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon