Chapter 29: Accident
Isang linggo na din ang lumipas simula noong gabing nag-overnight ang magkakaibigan sa bahay nina Gab. Ang sunod nilang bonding na magkakaibigan ay bukas na. Magkakaroon ng pool party sa bahay nina Steven. Si KL lang ang naiwan ngayon sa bahay nina Steven dahil may business trip sina Aine at Steven at bukas pa ang balik ng mga ito. Hinihintay din ni KL ang pagdating ni Spencer dahil tutulungan siya nito sa mga kakailanganin nila.
Nang tumunog ang door bell ay madaling lumabas si KL at pinagbuksan kung sino man ang dumating. Kagaya ng inaasahan niya, si Spencer ang nakita niya. Pagkapasok sa loob ng bahay nina Steven ay agad na humiga sa sofa si Spencer.
"Nakakapagod!" Reklamo ni Spencer.
"Saan ka naman napagod?"
"Napagod ako kakahanap ng mga pinabili mo. Nasasayang ang kagwapuhan ko dahil katulong ang turing mo sa 'kin."
"Nahiya naman ako sa kagwapuhan mo, Spence! Ang hangin, ah? Pakibawasan, pwede? Teka nga, nasaan na 'yong mga pinabili ko sa 'yo? Nakahanap ka ba? Namimiss ko na kasi talaga ang mga pagkain sa Korea."
"Ito na. Makakain na nga nito."
Bubuksan na sana ni Spencer ang pagkain na binili niya pero pinigilan siya kaagad ni KL.
"Hindi ka pwedeng kumain nyan! Akin lang 'to. Ako ang nagpabili, eh!"
"Ako naman 'yong napagod."
"Sige, 'yang kimchi na lang sa 'yo. Akin na 'tong jajangmyeon. Hahaha!"
"Sa tingin mo mauuto mo ako ulit? Hahahaha! Asa ka! Papakainin mo na naman ako ng maanghang. Hindi ako kakain nyan. Magshare na lang tayo para mas maganda."
"Ang patay gutom mo kaya! Mamaya, maubusan pa 'ko."
"Ang dami mo namang sinasabi. Nagugutom na ako kaya kumain na tayo."
Pumunta si KL sa kusina para kumuha ng dalawang tinidor at saka sila kumain ni Spencer. Naghati na lang sila sa pagkain.
"Spencer, say ah! Dali!" Utos ni KL sa kanya.
"Ayoko."
"Dali na!"
"Ayoko kumain nyan. Hindi ako mahilig sa maanghang."
Pinipilit ni KL na pakainin si Spencer ng kimchi. Alam niya kasi na ayaw nito sa maanghang na pagkain kaya inaasar niya. Naalala niya na naman noong naglaro sila ng truth or dare at pinakain niya si Spencer ng sili. Natatawa na lang siya sa tuwing naaalala 'yon.
"Dali na kasi, Spence! Minsan ko lang 'to gagawin sa 'yo tapos ayaw mo pa."
Isinusubo sa kanya ni KL ang sinandok niya na kimchi pero hindi talaga 'yon pinapansin ni Spencer. Kinuha ni KL ang tinidor at ibinaba 'yon. Agad naman na inilapit ni Spencer ang mukha niya kay KL na ikinagulat nito.
"Pipilitin mo pa ako?"
"H-ha? H-hindi na."
Nang dumistansya sa kanya si Spencer ay iniwas niya na ang tingin niya dito. Hiyang hiya siya at sobrang bilis din ng tibok ng puso niya dahil sa ginawa nito. Hinawakan ni Spencer ang mukha niya para makita nito ang pagngiti niya.
BINABASA MO ANG
Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)
RomancePUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, every story should have an ending but every ending awaits a new beggining. That is still not the end, but its just the beginning of their stor...