Chapter 10: Who's that girl?
Ngayon ang araw ng celebration ng birthday ni Terrence. Nasa sasakyan si KL ngayon kasama si Gab at papunta na sila sa hotel kung saan ang party.
"Gab, bakit ang tahimik mo?"
"Wala naman akong sasabihin. Hindi mo din ako kinakausap kaya tahimik ako."
"Kaya pala. Sige, magkukwento na lang ako. Alam mo ba na madaming nagsasabi na bagay tayo at meron tayong chemistry? Nakakatuwa lang! Hahaha!"
"Oh? Hindi kapani paniwala."
"Grabe ka naman! Ayaw mo ba sa’kin? Maganda na ako ngayon at babaeng babae na."
"May gusto ka ba sa’kin?"
"Malamang wala! Asa ka, pre! Binibiro lang kita, e. Ayaw mo pa makiride na lang. Nagkukwento lang naman ako para hindi tahimik masyado, e."
"Ingat ka, baka magkagusto ka pa sa’kin niyan."
"Imposibleng mangyari ang sinasabi mo. Hindi ko din hahayaan na mangyari ‘yun."
Pagkadating doon ay umupo sila kaagd. Nagtingin tingin sila sa palagid.
‘Ang daming tao pero hindi ko kilala lahat. Nasaan na kaya si Terrence?’
Dahil sa walang magawa si KL ay kinuha niya ang phone niya. Sakto din naman na tumawag sa kanya si Dwayne.
"Hello, Dwayne! Bakit ka napatawag? Akala ko busy ka."
"Yes, I am busy. Where are you? Diba sabi mo, you're at Manila Peninsula?"
"Yes, why?"
"I'm also here."
"Nandito ako sa room kung saan icecelebrate yung birthday ni Terrence."
"Me, too."
"Really?! I guess, I'll just see you around. Bye!"
Pagkatapos ng tawag ay agad na nagtingin tingin si KL sa paligid at nakita niya si Dwayne na kumukuha ng mga pictures sa party. Napansin niya na busy talaga si Dwayne. Nang makita ni Terrence sina KL ay nilapitan niya ang mga ito.
"KL! It's good to see you here. Buti naman at nakarating kayo," masayang sinabi ni Terrence.
"Hi, Terrence! Happy birthday! Ang tagal din nating hindi nagkita. Gumwapo ka lalo."
"Mas gwapo ako," biglang sabi ni Gab.
"Mas gwapo kaya si Terrence kasi mas mabait siya."
Hindi na sumagot pa si Gab dahil nainis siya sa sagot ni KL. Aalis sana siya doon pero agad siyang napigilan ni KL dahil hinawakan niya si Gab sa braso.
"Ito namang date ko, nagtampo kaagad. Parehas lang naman kayong gwapo!" nakangiting sinabi ni KL.
Hinila niya si Gab para mapaupo ulit.
"How are you, Gab? It's been five years," tanong ni Terrence.
"Okay lang ako. Mas gwapo pa din ako sa’yo."
"Mas sikat naman ako sa’yo."
"Nagpapayabangan na kayo dyan ah? Awat na nga! Ito pala gift namin sayo ni Gab," biglang singit ni KL.
BINABASA MO ANG
Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)
RomancePUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, every story should have an ending but every ending awaits a new beggining. That is still not the end, but its just the beginning of their stor...