Chapter 40: Hello and Goodbye
Hinihintay ni Jin na matapos ang meeting ni Gab. Nasa loob siya ng office room ni Gab at hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nang matapos ang meeting ni Gab, agad siyang sinalubong ni Haeja. Simula nang makaalis sila sa mental hospital na iyon ay ipinasok na ni Gab si Haeja sa kumpanya ng pamilya nila bilang ikalawang sekretarya niya.
"Sir Gab. Miss Jin is waiting for you at your office," sabi sa kanya ni Haeja.
"Sige. Lunch time na kaya kumain na din kayo."
"Okay, Sir."
Madaling pumunta si Gab sa opisina niya. Nakita niya si Jin na nakatungo at natutulog. Napangiti siya at nilapitan ito kaagad. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Bubuhatin niya sana si Jin para ilipat sa sofa pero nagising ito.
"Gab, s-sorry. Nakatulog pala ako."
"Naghintay ka ba ng matagal?"
"No, not really. Kanina ka pa ba dyan?"
"Kakarating ko lang din. Kakatapos lang ng meeting namin."
"Nagluto pala ako ng pagkain para sa 'yo. I know you're very busy and you don't have much time to buy something to eat so I brought you lunch."
"Matikman nga ang luto ni Chef Tan."
Tumayo si Gab at umupo sa sofa. May nakapatong sa lamesa na bag at binuksan niya iyon. Inayos ni Jin ang pagkain ni Gab para makakain na ito.
"Hindi mo ba ako sasabayan kumain?"
"No, enjoy the food. Actually, I really have to go. Hinintay ko lang talaga na dumating ka. Ngayon na ang alis ni Kuya pabalik ng China."
"Sasamahan na kita."
"No, Gab. Okay lang ako. You're very busy at ayoko na dumagdag pa."
"Magdate na lang tayo kapag hindi na ako busy."
"I would love to, Mr. Teppei. For now, I should get going. I'll see you tomorrow. Bye, hon!"
Hinalikan ni Jin sa pisngi si Gab at saka siya umalis doon. Ayaw niya na istorbohin pa si Gab dahil alam niya na sobrang busy ito sa trabaho. Pumupunta na lang siya sa opisina nito para dalhan ito ng pagkain at para makita din si Gab.
Pumunta sa airport si Jin para ihatid ang kapatid na ngayon ay aalis na. Sa ibang bansa na kasi sila nagtrabaho simula nang mamatay si Jin pero nang malaman nila na buhay ito ay napapadalas ang pag-uwi nila sa Pilipinas para makita ito.
"Princess!" tawag sa kanya ni Axel.
Napatingin si Jin sa direksyon kung saan may narinig siyang sumigaw at kaagad na tumakbo doon. Nakita niya ang kapatid na naghihintay.
"Kuya Hiroshi."
Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid.
"Do you really have to go?" tanong ni Jin.
"Yes, Princess."
BINABASA MO ANG
Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)
RomancePUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, every story should have an ending but every ending awaits a new beggining. That is still not the end, but its just the beginning of their stor...