CHAPTER 16: Friends
Nasa school kung saan sila nag-highschool ngayon si Gab. Naisipan niya na mag-aral ulit. Kumuha lang siya ng ilang units na papasukan dahil nagtatrabaho din siya. Isang buwan na din ang lumipas simula nang makilala niya si Shane at simula noon ay hindi niya na ito ulit nakita pa. Nagmamadali na din siyang pumasok dahil malelate na siya sa klase niya. Nakakahiya pang tignan kung sakali dahil nagtatrabaho na siya pero nalelate pa din siya. Pagdating niya sa classroom ay nagtingin-tingin siya at naghanap ng bakanteng upuan.
"What are you doing here?!" sigaw ng katabi ni Gab.
"Mag-aaral. Bakit? May iba pa bang dahilan para pumasok ako dito?" pilosopong sagot ni Gab.
Tumayo kaagad ang katabi niya pero agad niyang hinila ‘yun paupo.
"What's your problem?!"
"May prof na kaya umupo ka na."
Hindi napansin nun na dumating na nga ang professor nila. Wala na din siyang nagawa kung hindi umupo na lang ulit. Inis na inis ito kay Gab.
"I'm Gab, you are?" pabulong na pagpapakilala ni Gab.
"Can you please stop talking to me?!" naiinis na sigaw nito.
"The two of you! Get out of this class, now!" utos ng professor nila.
Nagmadaling tumayo ang katabi niya at lumabas ng kwarto kayasinundan niya ito. Pumunta ‘yun sa library kaya naman pumunta din siya doon at umupo sa tabi niya.
"Stop following me!" sigaw na naman nito.
"The two of you, get out!" sigaw ng masungit na librarian ng school nila.
Lumabas na ng library at nagmadali itong naglakad papalabas ng school. Hindi sumuko si Gab at sinundan pa din ito.
"What the hell is your problem?! Why do you keep on following me? You’re annoying me!"
"Hi!" nakangiting sagot ni Gab na may kasamang pagkaway.
Nainis na ang babaeng sinusundan niya kaya sinampal na siya nito.
‘Sadista din kagaya ni Jin. Gustong gusto niya yata na sinasaktan ako.’
Napasabunot ang babae sa buhok niya at tinignan si Gab.
"Fine! What do you want?!"
"Mag-usap tayo."
Hinila siya ni Gab papunta sa isang pastry shop na malapit sa school nila. Gusto niya kasi na makapag-usap sila ng maayos.
"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Gab
"I don't want to eat. Sabihin mo na ‘yung kailangan mong sabihin. I'm busy."
"Nagtatagalog ka naman pala, e."
Nilapitan sila ng isang waitress kaya napatingin sila doon.
BINABASA MO ANG
Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)
RomancePUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, every story should have an ending but every ending awaits a new beggining. That is still not the end, but its just the beginning of their stor...