Chapter 21: The Result
Hindi mapigilan ni Mika ang ngumiti lalo na at hawak niya na ang results ng DNA test na ginawa para malaman kung si Shane at Jin ay iisa. Pagkatapos ng halos isang buwan na paghihintay ay nakuha na rin niya ang resulta.
‘Tama nga kaya ang hinala namin na siya si Jin? Posible nga na siya ‘yon pero posible din na kaya niya lang kamukha si Jin ay dahil sa cosmetic surgery. Kahit na sobrang panget mo, makakaya mo na ngayon na maging maganda. We don't know what happened a few years ago.’
Nasa bahay siya ngayon ni Gab. Wala doon si Gab pero nakapasok siya dahil may spare key siya para sa bahay nito. Gusto niya kasing sorpresahin si Gab. Dahil bored na siya doon ay naisipan niya na tawagan na si Gab.
“Bakit ka napatawag?”
"Where are you?"
“Office.”
"Can you go home a bit early today? Company mo na rin naman ‘yan since you are the succesor. Let's have a little party or a simple dinner tonight. Wala ka namang pasok bukas, hindi ba? What do you think?"
“Ano na namang binabalak mo, Mika?”
"Ang sakit, ah? Bawat kilos ko ba, lagi na lang akong may binabalak? It doesn't mean na kapag nagyaya ako ng party, may masama ako agad na binabalak. I just want you to relax since you're very busy these past few days. That's so stressful and you need to losen up. Come on, Gab! Just go home early. I'll take care of everything."
“May susi ka naman, diba? Ikaw na ang bahala diyan. 6 pa ako makakaalis dito.”
"Gab naman! Hanggang 5:30 lang ang working hours!"
“Busy ako, Mika. ‘Wag mo ng dagdagan pa ang mga iniisip ko.”
"I'll just go there."
“‘Wag na.”
"Fine! I'll invite your friends over, okay?"
“Sige.”
Pagkatapos nilang mag-usap ni Gab ay nagsimula na siyang mag-ayos. Tinawagan niya ang mga kaibigan ni Gab, nagligpit siya ng gamit at umorder ng pagkain. She wants everything to be set according to her likes. Gusto niya na sabay sabay nilang makita ang DNA results kaya kahit na nasa kanya na ‘yon ay hindi niya tinignan ang laman. Nakaupo siya sa sofa at pagod na pagod nang dumating si Gab.
"Good evening, babe," nakangiting pagbati ni Mika.
"Good evening din."
"You miss me?"
"Pano kita mamimiss kung palagi kitang kasama?"
"Sana man lang sinabe mo na namiss mo ako kahit konti man lang. Ang sama mo talaga. Hindi mo man lang ako binola para sumaya ako kahit sandali lang."
"Sasabihin ko din ‘yan sa ‘yo. Subukan mong ‘wag magpakita sa ‘kin ng isang linggo."
"Gab naman!"
"Sandali lang, magbibihis lang ako."
"Go on."
Minsan ay hindi na din nagugustuhan ni Mika ang pagsusungit ni Gab pero hinahayaan niya na lang ito dahil likas na talaga kay Gab ang pagiging masungit. Saktong pagpunta ni Gab sa kwarto ay tumunog ang door bell kaya lumabas siya para pagbuksan kung sino man ang dumating. Hindi niya man inaasahan pero sina Terrence at Shane ang unang dumating doon. Sa totoo nyan ay si Shane lang ang inimbita niya at gusto niyang papuntahin doon pero mas gusto niya na nandoon din si Terrence.
BINABASA MO ANG
Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)
RomancePUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, every story should have an ending but every ending awaits a new beggining. That is still not the end, but its just the beginning of their stor...