Chapter 38: Perfect
"Gab! Bilisan mo na! We're gonna be late" sigaw ni Jin.
Nasa bahay ngayon ni Gab si Jin at naghihintay siya sa sala. May pupuntahan silang party dahil birthday na ngayon ni KL.
"Gab!" sigaw niya pa ulit.
Nagmadaling lumabas si Gab sa kwarto at nilapitan si Jin.
"Ano na naman ba? Ang ingay mo." Naiinis na sinabi ni Gab.
"Ayokong malate. Importante na maaga tayo dun! Ang bagal mo kasing kumilos."
"Alam mo na kakagaling ko lang sa trabaho kaya 'wag kang magreklamo."
"Bakit ba kasi kahit weekend kailangan mong pumasok?"
"Jin, I need to work for our future."
Nagulat si Jin sa sinabi ni Gab. Hindi niya inaasahan na 'yon ang isasagot ng lalaki na nasa harap niya. Alam niya na may gusto pa din ito sa kanya pero hindi niya akalain na siya na talaga ang gusto nitong makasama.
"Future future ka dyan! Kung anu-ano ang sinasabi mo!" sigaw ni Jin.
"Bakit ka namumula?"
"Sinong namumula? H-hindi ah! Tara na nga!"
Nagmadaling lumabas si Jin at pumasok siya sa loob ng sasakyan ni Gab. Agad din naman sumunod si Gab sa loob.
"Bilisan na natin. Malelate na tayo."
"Ayoko nga."
"Gab naman!"
"Sagutin mo muna 'yong tanong ko. Bakit ka namumula? Kinikilig ka?"
"Hindi ah! Bakit naman ako kikiligin? Maputi lang talaga ako kaya mabilis akong mamula."
"Ayaw pa umamin." Mahinang sinabi ni Gab pero sapat na para marinig ni Jin.
Hiyang hiya si Jin. Hindi na siya ngayon makatinigin kay Gab at nakatingin lang siya sa labas dahil aasarin lang siya nito.
'Bakit ba kasi ayaw makisama ng katawan ko? I admit it. May nararamdaman nga talaga ako para sa kanya pero sa tingin ko, hindi pa ito ang tamang oras para magsama kami ulit. Gusto ko munang makita kung gaano siya mageeffort pero kung mahahalata din niya na may gusto ako sa kanya, hindi magwowork ang plano ko.' Naisip niya.
Hindi nagtagal at nakarating na sila sa lugar kung saan nakabili ng matitirhan si KL. Malapit lang din ito sa lugar kung saan nakatira si Gab pero sinadya ni Gab na bagalan ang pagmamaneho para agawin ang atensyon ni Jin ngunit wala itong epekto. Alam niya na malalim na naman ang iniisip nito. Bumaba kaagad si Gab sa sasakyan para pagbuksan ng pinto si Jin.
"May problema ba?" tanong niya.
"Nothing." Tipid na sagot ni Jin.
"Are you sure? Kung dahil 'yon sa ginawa ko--"
"No, Gab. There's nothing wrong. I'm okay and were okay. Let's get inside. Sigurado ako na kanina pa nila tayo hinihintay."
BINABASA MO ANG
Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)
RomancePUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, every story should have an ending but every ending awaits a new beggining. That is still not the end, but its just the beginning of their stor...