CHAPTER 15: Shane and Jin
‘This may be the first and last chance that I have. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito kaya hinding hindi ko ito sasayangin. Things can’t go wrong because if I made a wrong move, it’s over for me.’
Kagaya ng pinlano ni KL, naiwan sina Gab at Shane sa bahay ni Gab. Pagkapasok ni Gab galing sa labas ay nakita niya si Shane na may hawak na picture frame at tinitignan niya ito. Nang makita ni Shane na nandoon na si Gab ay nagulat siya at nabitawan ang picture kaya ito nabasag. Habang wala kasi si Gab ay nagtingin tingin si Shane sa sala at accidentally niyang nakita ang picture na nakakuha ng attention niya.
"I-I'm sorry. I didn't mean to--" nauutal na sabi ni Shane.
Shane let out a heavy sigh. She feel pathetic for explaining herself to Gab. Pakiramdam niya kasi na wala ng maidudulot ang pagsosorry niya dahil nabasag niya ang picture frame. Dinampot niya na lang ‘yun at iniabot kay Gab ang basag na picture frame.
"I'm very sorry about this," nahihiyang sinabi niya.
"Okay lang, Shane."
"I.. I mean-- The girl in the picture, who is she? H-How come that she looks e-exactly like me? It’s like we’re twins," naguguluhang tanong niya.
"Do you really want to know?"
"You don't have to let me know if you don't want to. I'm just curious because she looks like me."
"Umupo muna tayo. Sasabihin ko sa’yo."
Hindi maintindihan ni Shane ang nararamdaman niya. Kinakabahan at natatakot siya lalo na’t alam niya na hindi siya ang nasa picture. Kagaya ng sinabi ni Gab, umupo na muna sila sa sofa. Nakatingin lang si Shane kay Gab at naghihintay sa sasabihin nito sa kanya.
"Gusto mo bang ikuha kita ng tubig? You look tensed."
"N-no. I’m not thirsty. I’m not tensed. I’m just confused."
Napansin ni Gab ang pagbabago ng itsura ni Shane na tila ba nanghina siya dahil sa nakita. Ayaw niya man sana na sabihin kung sino ang nasa picture pero naisipan niya na sabihin na lang dahil baka isipin ni Shane na stalker siya at lalong mailang ito sa kanya. Tinignan ni Gab ang picture at napangiti siya.
"Siya si Jin, girlfriend ko."
"W-where is she?"
"She's already dead."
Nagulat si Shane sa narinig. At the same time, kinilabutan din siya.
"I'm sorry."
"It's okay."
"I-I shouldn't have asked."
"Okay lang ‘yun, Shane. Matagal na din siyang patay."
Hindi na sumagot pa si Shane at nanahimik na lang siya. Nakatingin lang si Gab kay Shane at alam niya na hindi ito komportable. Sa isip ni Gab ay nagpapanic na siya kung ano ba ang dapat gawin dahil baka ‘yun ang maging dahilan para lumayo sa kanya si Shane.
"Nagugutom ka ba?"
"No, its okay. I’m not really hungry. The gas should be here anytime soon, I guess?"
BINABASA MO ANG
Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)
RomancePUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, every story should have an ending but every ending awaits a new beggining. That is still not the end, but its just the beginning of their stor...