[ 23 ] A Different Person

52.6K 742 94
                                    

Click the star icon to vote :)

Chapter 23: A Different Person

Napansin ni Terrence ang malaking pagbabago kay Shane simula nang malaman nito ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya. Halos isang linggo na itong hindi lumalabas sa tinitirhan nila at hindi din ito tumatanggap ng mga bisita. Noon kasi ay madalas itong umaalis para gumala at makapagikot-ikot pero ngayon, kulang na lang na magkulong ito sa kwarto. Malaki talaga ang epekto sa kanya ng paglabas ng katotohanan pero kahit na ganun pa man, kakayanin na itong tanggapin ang lahat dahil mas matapang at mas matured na ito. Isa din na dahilan ng pagmamadali ni Shane sa pag-alis ng bansa ay dahil sa nahihirapan na siya na humarap pa sa mga tao na may kinalaman sa nakaraan niya.

Ngayon na ang alis nina Terrence at Shane pabalik ng Korea. Pilit na minadaling tapusin ni Terrence ang lahat ng trabaho niya para maibigay na niya ang hinihiling ni Shane sa kanya. Ayaw niyang nakikitang nahihirapan si Shane pero ayaw niya din na takbuhan lang nito ang dumating na problema sa kanya lalo na at ang buhay niya noon ang pinag-uusapan. Masaya si Terrence na pinili siya nito pero hindi niya matanggap na pati ang pamilya nito, tuluyan niya ng tinatalikuran. Pinipilit siya ni Terrence na makipagkita sa kanyang pamilya pero ayaw talaga ni Shane.

"Babe, are you ready to leave?" tanong ni Shane.

"Yes, let's go."

"Let's go! I can't wait to be home," excited na sinabi nito.

Nilapitan siya ni Terrence at hinawakan ang kamay niya. Kitang kita sa mukha ni Terrence na nag-aalala siya para kay Shane.

"Sigurado ka ba na ayaw mo talagang makita ang Daddy at mga kuya mo?"

"I don’t want to see them. Kapag nakipagkita ako sa kanila, para ko na din sinabing gusto kong balikan 'yong buhay ko noon. I don't need them in my life anymore. I’m happy with just having you at my side. Please don't make this even harder for me, Terrence. Ilang beses na natin 'tong pinagtatalunan. I dont want to argue anymore."

"Okay, as you wish. I’m sorry, babe. I just don't want you to regret--"

"I will not regret anything. I already made up my mind. I know that you want to make up with what you did and correct your mistakes but you really don’t have to do that because I have forgiven you. If you'll keep on being like this, I will really get mad at you. Stop it, Terrence."

"I’m sorry. Let's go."

Mabagal na pinapatakbo ni Terrence ang sasakyan papuntang airport dahil may tinetext siya. Ni wala din silang dala dahil iniwan na lang nila ang mga damit nila doon sa tinitirhan nila.

"Babe, can I see your phone for a while? Ang bagal bagal mong magdrive because you keep on texting. Sino ba 'yan?" naiiritang tanong ni Shane.

"Manager ko."

"Why don’t you just call her? You need to drive faster. We’re going to miss our flight if you’ll keep driving this slow! You know that I can't wait to leave this country."

"No need, Shane. Sige, bibilisan ko na lang ang pagdadrive."

Walang kaalam-alam si Shane na sinasadya ni Terrence ang pagmamaneho ng mabagal. May gusto kasi siyang gawin at kapag nalaman 'yon ni Shane ay siguradong magagalit ito. Dahil ayaw niya na magtalo pa sila ay binilisan niya na lang ang pagdadrive ng sasakyan hanggang sa makarating sila sa airport.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon