Hi guys. Magseset ako ulit ng quota. Ang tipid niyo magvote e :( Pinipilit ko naman na bilisan magupdate. 120 votes before the next update :) Update ko agad pag umabot na sa quota. Parang dati lang. :) May pagames kami sa aine_tan's stories na group sa facebook sa Friday. Dedication ang prize. Sali kayo. Click niyo external link para sa group :)
(Gab and Marc on the side)
VOTE || COMMENT || RECOMMEND || FOLLOW
----------------------------------------------------
Chapter 45: Mad
Nang sunod na araw ay pumasok pa din si Jin sa opisina. Napagdesisyonan niya na magpatuloy sa pagtatrabaho bilang sekretarya ni Gab. Pagkatapos niyang marinig ang paguusap nila ni KL, gumaan ang loob niya kaya naman naisip niya na imbis na umalis siya ay mas kailangan niyang bantayan si Gab.
"Anong nangyari sayo kahapon? Bigla ka na lang umalis" tanong sa kanya ni Aeja
"May emergency lang sa bahay. Ikaw? Bakit hindi ka pa umaalis dito?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Stop acting dumb Aeja. You know what I mean. Simula ng dumating ka, nagkagulo na kami dito"
"Hindi ko kasalanan na ako ang pinili ni Gab at hindi ikaw. Magingat ka sa mga sinasabe mo dahil pananagutan ni Gab ang anak namin. Baka magulat ka na lang sa susunod dahil boss mo na ako"
"Lumabas din ang totoong habol mo kay Gab. Gusto mo lang ang pera niya kaya ka nagpabuntis, tama ba?"
"Ang kapal-- Bakit nga ba ako nagagalit sayo? Alam ko na hindi yun totoo"
"Oh really? Let's see. Mag ingat ka din pala Aeja dahil baka hindi ka pa man nakakarating sa taas, bumagsak ka na"
Hindi na nagsalita pa si Aeja. Hindi nagtagal at dumating na si Gab kaya naman nilapitan siya kaagad ni Aeja at kumapit sa braso nito. Nakita ni Gab si Jin sa pwesto nito at nginingitian siya kaya nagtaka siya.
"Good morning Gab" bati ni Aeja
"Kumain ka na ba?" tanong ni Gab sa kanya
"Hindi pa nga ee. Sabay tayo?"
"Busy ako ngayon Aeja. Sabay na lang tayo magtanghalian"
Bumalik na si Aeja sa pwesto niya at pagdaan ni Gab sa harap ni Jin ay tumigil siya.
"Good morning Sir Gab!" bati sa kanya ni Jin
"Let's talk in my office. Now!" masungit na sinabe ni Gab
Pumasok na sa loob ng opisina niya si Gab kaya sumunod na kaagad si Jin.
"Hand me your resignation letter"
"Sir Gab"
"Nakalimutan mo na ba ang sinabe mo kahapon? Boss mo ako pero binastos mo ako"
Lumuhod si Jin sa harap ni Gab.
"W-what are you doing Ms. Tan?"
"I'm sorry for what I have said and done yesterday. Hindi na po mauulit sir Gab"
"Tumayo ka na dyan"
"Hindi ako tatayo dito hanggang hindi niyo po ako--"
"Tumayo ka na dahil may iuutos ako sayo"
Tiningnan siya ni Jin.
"Hindi ko na kailangan pa ibigay ang resignation letter ko?"
"Hindi na kaya tumayo ka na dyan"
Agad na tumayo si Jin at inayos ang damit niya.
"Please get Aeja somethong to eat. Tanungin mo na lang siya kung ano ang gusto niyang kainin. Ibigay mo na lang sakin ang resibo at idadagdag ko na lang sa sweldo mo ang bayad. You can leave now"
"Okay sir. Thank you"
Tumalikod si Jin at huminga ng malalim. Nahihirapan siya na umarte ng natural lang.
'Kaya ko to!' Sabi niya sa isip niya
Lumabas na siya sa opisina ni Gab at nilapitan si Aeja.
"Anong daw gusto mong kainin?" walang ganang tanong ni Jin
"Ikaw ba yung bibili?"
"Oo"
"Gusto ko ng steamed fish fillet in lemon sauce"
"Saan naman ako makakahanap nun ng ganitong oras?"
"Chef ka diba? Ikaw yung magluto"
"Nananadya ka ba talaga Aeja?"
"Oo, hindi ba halata? Pakibilisan pala ang paggawa dahil kung hindi, magrereklamo ako kay Gab at baka tuluyan ka na matanggal dito"
"Paano mo--"
"Narinig ko. Bilisan mo dahil nagugutom na yung anak namin"
"Aeja" narinig nilang tawag ni Gab
Nilapitan sila ni Gab.
"Please be reasonable Aeja. Busy tayo ngayon kaya hindi tayo pwedeng magsayang ng oras. Ayoko mapagod ka kaya siya ang magtatrabaho ng madami at kailangan ko siya" sabi ni Gab
"Sorry Jin. I don't know because you're the one who knows his schedules. A mango juice and a croissant will do" -Aeja
"Yun lang ba?" -Jin
"Oo Jin" -Aeja
Umalis na doon si Jin at agad naghanap ng mabibilhan ng gusto ni Aeja. Inis na inis siya dahil kitang kita na gusto siyang pahirapan noto at idagfag pa ang pagiging maalaga ni Gab sa kanya. Pagkabalik niya, agad niyang binigay ang pagkain kay Aeja at pumasok sa opisina ni Gab.
"Here is the receipt Sir Gab. Do you need anything?"
"Pagkatapos niya kumain, pumunta kayong dalawa dito. May paguusapan tayong tatlo"
"Alright sir. Anything else?"
"None. You can go back to your place"
***
Hinintay ko lang na matapos kumain si Aeja. Wala pa naman kasing inuutos sakin ngayon si Gab. Hindi ko alam kung ano yung kailangan naming pagusapan na tatlo.
"Tapos na ako kumain. Tara na?" sabi ni Aeja
Tumayo na siya kaya tumayo na din ako at saka kami pumasok sa opisina niya. Pinaupo niya kaming dalawa sa sofa at umupo din siya doon, hiwalay samin.
"There is a team building activity that I have to attend tomorrow. That will last for 3 days and 2 nights. I was thinking of bringing Aeja with me but because of her condition, I can't do that so I want you to come with me Jin" sabi ni Gab
Kapag ganito si Gab, kitang kita ko ang pagka professional niya at pagkaseryoso sa trabaho. Ibang iba sa Gab na kakilala ko.
"Pwede kita samahan Gab. Wag ka magalala sa kondisyon ko. Kaya ko naman" sabi ni Aeja
"Aeja, were at the office right now"
"I'm sorry sir Gab. Pwede naman akong sumama doon" -Aeja
"Delikado para sa baby mo kaya mas magandang magpahinga ka na lang sa bahay. Okay lang naman sayo Jin na sumama sakin hindi ba?"
"It is okay for me sir Gab" sagot ko
"Well then, that's all I have to say. You can go back to your places now"
Umalis na sila sa opisina ni Gab at bumalik sa mga pwesto nila. Naiinis si Jin sa mga naririnig niyang salita galing kay Gab dahil parang masyado siyang maalaga kay Aeja. Alam niya man na ginagawa lang yun ni Gab para mapalapit lalo kay Aeja, hindi niya pa din mapigilan na mainis.
***
Naglalakad si Jin palabas sa building kung nasaan ang kompanya nina Gab nang may makita siyang pamilyar na mukha kaya nilapitan.niya ito.
"Marc?" patanong na sinabe niya
Lumingon ang lalaki at mukhang nagulat pa na makita si Jin.
"Jin, what are you doing here?" tanong sa kany ani Marc
"I should be the one asking you that question. What are you doing here?"
"I'm with my talent. She just left"
"Si Mika?"
"No, its a different girl Jin. Why are you here?"
"I work here"
"Mukhang mayaman nga talaga yang boyfriend mo ah?"
"Whatever Marc. I'm going out for lunch. Want to join me?"
"Sure"
Kumain sila ng tanghalian sa isang restaurant at napagkwentuhan nila ang tungkol sa nangyayari ngayon sa buhay ni Jin. Alam niya na may maitutulong sa kanya si Marc kaya naman humingi siya ng advice pero ang sinabe lang nito, "Give him a taste of his own medicine".
"Jin, paano ba yan kailangan mo na bumalik sa trabaho?"
"Nakakatamad na nga pumasok sa trabaho. Hindi ko pa din makuha kung ano ang ibig sabihin ng advice mo"
"You'll figure it out"
Nasa looby na sila ng building kung saan nagtatrabaho si Jin. Nang makita ni Marc si Gab, agad niya itong hinila at niyakap.
"A-anong ginagawa mo Marc?"
"Ssh. I'm giving him a taste of his own medicine"
Nakatingin lang si Marc kay Gab na nakatingin din sa kanilang dalawa. Pinagseselos niya ito. Alam ni Marc na nagseselos din si Jin kina Marc at Aeja kaya naman pinaparamdam niya din dito ang pagseselos na nararamdaman ni Jin. Nang makalayo si Gab, bumitaw na si Marc.
"That's an example of what I'm trying to say"
"Gusto mong pagselosin ko si Gab?"
"Exactly. Tingnan natin kung matitiis ka pa niya"
"Well, that's a good idea. Thanks Marc. It's already 1:30. Kailangan ko na bumalik. Ingat ka. Bye Marc!"
"Bye Jin. Just call me when you need me"
Agad bumalik sa pwesto niya si Jin sa opisina. Napadaan si Gab sa harap nila kaya tumigil ito.
"Jin, in my office. Now!" galit na sinabe ni Gab
Agad namang tumayo si Jin at pumasok sa loob ng opisina ni Gab. Pagkapasok nilang dalawa ay nilock ni Gab ang pinto.
"Why are you late?"
"Sir, I'm just--"
"Dahil sa lalaki kaya ka nalate? Ano na lang iisipin ng mga tao kapag may nakitang may naglalandian doon?!"
"Hindi ako nakikipaglandian!"
Kinorner siya ni Gab. Iniharang ni Gab ang dalawang braso niya para hindi makaalis si Jin.
"Hindi nakikipaglandian? Bakit ka nakikipagyakapan sa lalaking yun?!"
"Tapos na tayo kaya wag mo akong pakialaman sa ginagawa ko"
Sinuntok ng malakas ni Gab ang pader kaya nanlaki ang mata ni Jin sa gulat.
"Ayoko na makita ka pa na kasama ang lalaking yun!"
"Its none of your concern anymore Gab. Mind your own business"
Hahalikan sana niya si Jin pero pinilit niyang pigilan ang sarili dahil alam niyang ikagagalit yun ni Jin kapag dinaanan niya ito sa lakas niya. Tinanggal niya ang pagkakaharang kay Jin at tumayo ng maayos.
"I'll pick you up at yor house tomorrow at 7. For now, you can go home early. You're dismissed"Agad na lumabas doon si Jin. Natakot siya sa mga ginawa ni Gab. Alam niyang gumana ang ginawa ni Marc. Natatakot lang siya sa mga pwedeng mangyari bukas dahil baka ano na ang gawin ni Gab lalo na at silang dalawa lang ang pupunta doon para sa kompanya nila. Hinihiling niya na sana maging maayos ang lahat.
BINABASA MO ANG
Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)
RomancePUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, every story should have an ending but every ending awaits a new beggining. That is still not the end, but its just the beginning of their stor...