Special Chapter 3: Baby
“HON, FASTER! KAILANGAN pa nating mamili para sa mga kakailanganin mamaya!” sigaw ni Jin mula sa sala ng bahay na tinitirhan nila.
They are happily married now for almost a year. Malapit lapit na rin ang first anniversary nila but what they are looking forward now is their baby. Jin is pregnant at malapit na rin itong manganak.
“HON!” sigaw ulit ni Jin.
Nagiging impatient na siya at mainitin ang ulo mula nang mabuntis. Naging malungkutin na rin siya even with the smallest things na hindi naman big deal sa kanya noon. Siguro ay naging sensitive lang rin talaga siya.
“Sorry, hon. Ready ka na ba?” tanong sa kanya ni Gab pagkababa nito sa sala mula sa kwarto nila.
“I’m ready, kanina pa kaya! Ang tagal tagal mo naman kasi dumating, eh. Puro ka na lang work, work, work! Super workaholic ka na. Alam mo naman na mamimili tayo para sa kakailanganin mamaya pero inuna mo pa rin ‘yon,” nagtatampong sagot niya.
“I’m sorry, okay?” paglalambing nito as he go to her back at niyakap siya mula sa likuran. “Marami lang talaga akong kailangan asikasuhin sa office dahil magha-holiday na. We still have enough time to shop so don’t stress yourself too much,” he said and smiled.
Agad na dumistansya si Jin sa kanya at humarap dito. “Kahit na! Still, dapat inuna mo ‘ko. Paano kapag lumabas na si Gabrielle Jane? Work pa rin ba ang uunahin mo? I don’t want to give birth without you by my side, ah? Subukan mo lang mawala sa oras na ‘yonat magpapa-anull ako!” pagbabanta niya.
“Hon, naman! ‘Wag ka na kasi magtampo sa ‘kin, ha?” sabi nito sabay hawak sa magkabilang kamay ni Jin. Nakasimangot ngayon si Jin so he formed her lips into a smile. “Sige ka, baka maging grumpy ang baby natin paglabas niyan dahil nahawa sa ‘yo,” biro nito.
Tinulak siya ni Jin. “I hate you, Gab! Diyan ka na nga!”
Nauna itong naglakad palabas ng bahay at papunta sa sasakyan. Napangiti na lang rin naman ito sa inasal ng asawa. Ang cute nga naman kasi niyang magtampo. He knows that she will be okay in a while dahil talagang moody lang siya. Nakasanayan niya na rin naman ang ugali nito pero noong unang nagkagano’n ito ay hindi niya alam ang gagawin.
Naghintay lang si Jin sa sasakyan hanggang sa dumating si Gab sa sasakyan pero nagtaka siya dahil hindi siya kinakausap ng asawa. Nagtampo siya dito pero ito pa ngayon ang tahimik at umaasta na parang wala lang nangyari.
“‘Di mo man lang ba ‘ko lalambingin?” tanong sa kanya ni Jin. “Nagtatampo kaya ako sa ‘yo. Hindi mo naman kami priority ni baby, eh,” mahinang sinabi ni Jin habang hindi tumitingin dito pero dahil matagal itong ‘di sumagot ay tiningnan niya ito.
“I know na nagtatampo ka. Priority ko kayo ni Gabby, okay? Ikaw lang ang nag-iisip na hindi,” he said and smiled.
“Liar! Priority, huh? Eh, puro work lang naman ang inaasikaso mo,” nagtatampo na sinabi nito.
“I’m working para sa inyo ni baby... para sa future natin at sa future niya,” sagot nito.
“Nakakainis ka talaga! Lagi na lang ‘yan ang reason mo.”
Hindi na siya inimik pa ni Gab. Alam naman kasi nito na wala ring katapusan kapag pinatulan niya pa ito. Magtatampo lang ito lalo sa kanya at baka maging cause pa ng away nila.
UMUWI SILANG DALAWA na hindi pa rin nag-uusap. Tahimik lang silang namili ng mga kakailanganin sa pagkaing ihahanda. Nakasunod nga lang si Gab sa kanya doon.
“Hon? Kabs?” tawag nito sa kanya. Nagtataka kasi siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito kinakausap.
“I feel weird,” sabi niya at nilagay ang dala niya sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)
RomancePUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, every story should have an ending but every ending awaits a new beggining. That is still not the end, but its just the beginning of their stor...