(Steven on the side. Add him on facebook: http://www.facebook.com/stevensantos.official)
Chapter 43: Solution
Ibinaba ni Marc si Jin. Alam niya na kailangang magusap ng dalawa.
"G-Gab" mahinang sinabe ni Jin
Hindi alam ni Jin ang gagawin. Gusto niyang magalit at saktan si Gab pero hindi nakikisama ang katawan niya. Tila ba hindi siya makalakad.
"Marc, tara na sa loob"
Binuksan ni Jin ang pinto ng unit niya pero bago pa man siya makapasok, hinawakan ni Gab ang kamay niya.
"Jin, magusap tayo"
"Ayoko makipagusap sayo"
"Please listen to me first. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako kinakausap"
"Edi wag kang umalis"
Pinapasok ni Jin si Marc sa loob ng unit niya at saka siya pumasok. Hindi na rin naman nagpumilit si Gab na pumasok doon.
"Coffee?" tanong ni Marc
"Yes, please"
Pumunta si Marc sa kusina para magtimpla ng kape para kay Jin. Pagbalik niya, umupo ito sa tabi niya.
"Uminom ka muna para matanggal hilo mo" sabi ni Marc
"Nawalan ng epekto yung alak nang makita ko siya"
Umiyak si Jin at nagulat si Marc ng isinandal nito ang ulo niya sa balikat niya. Niyakap niya naman ito at hinagod ang likod.
"Sige, iiyak mo lang yan"
Patuloy lang na umiyak si Jin pero hindi nagtagal at tumahan din siya. Umayos kaagad siya ng upo.
"Sorry Marc"
"Okay lang. Inumin mo na yung kape."
Ininom niya ito at tulala pa din siya. Ayaw niyang kausapin si Gab. Tumunog ang phone ni Marc at tiningnan niya kung sino ang nagtext.
From: Gab
Tulungan mo akong makausap siya. Sigurado ako na alam mo na ang nangyari.
Hindi siya sumagot sa text ni Gab at itinago ang phone niya.
"Jin"
"Bakit?"
"Ayaw mo ba talaga siyang kausapin?"
"Ayoko pa siyang makausap"
"Hahayaan mo lang ba siya sa labas?"
"Sigurado ako na aalis din siya dyan. Pabayaan lang natin siya"
"I need to go now Jin"
"Thanks again Marc. Lumabas ka na lang at ilock mo yung pinto"
"Sige"
Nagayos lang si Jin at naghanda para makatulog na siya pero bago pa siya matulog ay sumilip siya sa peephole ng pinto para tingnan kung nandoon pa si Gab. Nakita niya ito na nakaluhod sa labas at naghihintay pa din.
'Umuwi ka na Gab. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo dahil hindi kita kakausapin. Papahirapan muna kita sa ngayon para malaman mo ang mali mo' sabi niya sa isip niya
***
Nang magising si Jin ng umaga, agad niyang naalala si Gab. bumangon siya at sinilip sa peep hole kung nandoon pa si Gab. Inaasahan niya na din na wala na si Gab doon pero nandoon pa siya at naghihintay.
'Baliw ba siya?! Magdamag siyang naghintay sa labas?' sabi ni Jin sa isip niya
Binuksan niya ang pinto at saka siya lumabas. Nakaluhod si Gab sa harap ng pinto ni Jin at nang makita niya ito ay pinilit niyang makatayo pero nanghihina ang mga tuhod niya kaya napaluhod siya ulit.
"Bakit ka pa nandito?! Umuwi ka na Gab. Pwede kita ireport ng trespassing kapag hindi ka pa umalis dyan"
"Magusap tayo Jin. Magpapaliwanag ako sayo"
"Ayoko makinig sa paliwanag mo. Hindi kita kakausapin tungkol doon kaya umalis ka na"
Sinaraduhan ng pinto ni Jin si Gab. Pinipilit niyang tiisin ito kahit na gusto niya na siyang alalayan papasok ng bahay. Nang mapaluhod ito ulit dahil sa nanghihina na siya, nasaktan si Jin. Namumutla na din si Gab. Alam niyang kailangan niyang tiisin si Gab. Hindi niya ito kakausapin hanggang hindi siya nakakasiguro na hindi talaga anak ni Gab ang dinadala ni Aeja. Agad niyang tinawagan si KL.
"Bessy"
[ Bakit bessy? Okay ka na ba? ]
"Okay na ako pero si Gab, hindi. He must be crazy! Remember what I told you last night?"
[ Oo. Yung tungkol sa problema mo at sa paghihintay niya sa labas ]
"He's still here until now. He's kneeling in front of my door"
[ Anong plano mo? Ayaw mo pa din ba siya kausapin? ]
"I talked to him asking him to leave but he just don't listen. Ayaw niya umalis hanggang hindi niya ako nakakausap. Ayoko siya kausapin hanggang hindi napapatunayan na hindi kanya yung bata. I don't care if I will avoid him even for a month!"
[ Bessy, sobra na yung isang buwan! Papahirapan mo ba talaga siya? Kaya mo ba siyang tiisin? ]
"I can't watch him like that. I need to do this bessy. Dahil kung kanya talaga yun, malaki yung kasalanan niya sakin"
[ Paano kung anak niya talaga yun? ]
"I don't know. I cannot accept that so I guess I'm going to end our relationship. Okay lang sana kung nagkaanak siya noong hindi pa kami kaso nangyari yun na kami na"
[ I understand ]
"I need your help bessy. Tawagan mo sina Steven at Spencer para tumulong na paalisin dun si Gab. He's pale white and if this continues, he might collapse"
[ Okay. I'll call you when were on the way. Kapag nandyan na kami sa building, lumabas ka ng bahay niyo at umalis. Baka sakaling mas mapadali ang pagpapaalis natin sa kanya ]
"Okay. Thank you KL!"
[ I'll just call you later ]
***
Nang tinawagan si Jin ni KL, agad siyang lumabas. 11 na ng umaga pero nandoon pa din si Gab.
'Hindi ba siya napapagod?' tanong ni Jin sa isip niya.
Nang makita siya ni Gab, pinilit nitong tumayo at sundan si Jin pero sobrang nanghihina ang tuhod niya kaya hindi siya makatayo.
'Hindi ako susuko Jin. Kakausapin mo din ako. Kailangan kong magpaliwanag sayo. Alam kong hindi ko anak ang batang yun' sabi ni Gab sa sarili
Naglakad lang si Jin. Pinipilit niya ang sarili na wag lumingon.
"Jin!" sigaw ni Gab
Saktong bumukas ang elevator nang makarating doon si Jin. Nandoon na si KL kasama si Spencer at Steven.
"Kayo na bahala sa kanya" sabi ni Jin sa kanila.
"Jin, sinabe na samin lahat ni KL. Alam kong hindi yun kaya gawin sayo ni Gab. Maloko din yan pero hindi niya yun magagawa sayo" sabi sa kanya ni Steven
"Hindi din ako naniniwala na totoo yun. Pakinggan mo din sana siya" -Spencer
"Makikinig ako sa paliwanag niya pero hindi muna siguro sa ngayon. Sige, una na ako" sabi ni Jin sa kanila
Sumakay na ng elevator paalis si Jin. Hahabol sana si Gab pero hindi niya na talaga kaya. Nilapitan siya kaagad ni KL para alalayan pero inalis yun kaagad ni Gab.
"Kailangan ko siyang makausap" mahinang sinabe ni Gab
"Pre, awat na" -Spencer
Umupo ng maayos sa gilid si Gab at tinabihan siya nina KL. Binuksan ni KL ang dala niyang tubig at inabot kay Gab.
"Gab, inumin mo na muna to. Hindi ka pwedeng humilata dyan dahil sa gutom" sabi ni KL sa kanya
Ininom yun ni Gab at hindi nagtagal at medyo umayos ang itsura nito.
"Dude, umuwi ka na muna. Ihahatid ka na namin sa inyo" sabi ni Steven
"Hindi ako aalis hanggang hindi ko pa siya nakakausap" sagot ni Gab
"Gab, wag mo na ipilit kung ayaw ka niya kausapin" -KL
"Umalis na kayo. Kaya ko na magisa dito. Hindi niyo ako mapapauwi" -Gab
"Sabi niya kakausapin ka niya pero hindi pa ngayon. Hayaan mo na muna siya pre. Alam natin yung nangyari. Kahit siguro samin ni KL mangyari yun, ganito rin ang mangyayari" -Spencer
"Hindi sakin yung bata. Imposible na anak ko yun dahil wala akong maalala na ginawa kong kalokohan" -Gab
"Yun naman pala, bakit kailangan mo pa ipilit na magpaliwanag? Imbis na ubusin mo yung lakas mo kakahintay sa kanya habang nakaluhod ka dyan, bakit hindi mo na lang alamin yung totoong nangyari para mapatunayan mo na hindi yun sayo" -Spencer
"Tama si Spencer bro. Boss ka niya diba? Gamitin mo yun para mapapasok siya sa opisina mo at doon mo siya ilock para makausap mo siya" -Steven
"Tama sila Gab. Wag mo idaan sa ganito. Umuwi ka para magpalakas at kumilos para malaman kung totoo nga yun o hindi saka mo siya kausapin" -KL
"Oo nga. Baka sakaling kapag hindi ka nagpilit na kausapin siya, siya pa ang lumapit sayo" -Steven
"Wag ka na magsayang ng oras Gab dahil habang tumatagal ang galit ng tao, mas lalong mahirap makipagayos" -KL
"Ipatanggal mo na yung Aeja na yun! Maganda pa naman sana kaso mukhang masama" -Spencer
Binatukan ni KL si Spencer.
"Nagkakagulo na nga, naisipan mo pa yung ganun! Baliw ka ba?!" -KL
"Baliw sayo KL" -Spencer
"Teka nga, ang landi niyong dalawa" -Steven
"Wala lang kasi yang Aine mo. Mas malandi ka pa e" -Spencer
"Tigilan niyo nga ako!" -Steven
"Hindi ko pwede tanggalin si Aeja" -Gab
"Bakit naman Gab? Lalong magagalit si bessy kapag nakita niya na naguusap pa kayo ni Aeja" -KL
"Tama lang na mapalapit ako sa kanya para malaman ko yung totoo. Kapag tinanggal ko siya, mas mahihirapan ako na sundan siya" -Gab
"Galing mo talaga pre!" -Spencer
"Tara na, umuwi na tayo. Namimiss ko na si Aine. Ngayon na balik nun" -Steven
Inalalayan nina Steven at Spencer si Gab na makaalis doon. Naghihintay lang si Jin sa loob ng sasakyan niya sa parking lot na makita si Gab na umalis. Nakita niya na tila hinang hina ito at hindi na halos kayang maglakad. Pagkaalis nila, agad din naman siyang umuwi at tinext siya ni KL.
From: Kylie Lariza
Okay na bessy. Wag ka magalala dahil hindi ka na niya guguluhin sa bahay mo.
Hindi na sumagot si Jin. Alam niyang kailangan niya tiisin si Gab pagpasok niya sa opisina sa Monday. Kailangan niyang ipakita dito na hindi siya apektado. Hinatid na nila Steven, KL at Spencer si Gab sa bahay nito.
"Salamat pre" sabi ni Gab sa kanila
"Anytime dude. Sabihan mo lang kami kung gusto mo uminom, pupunta kami kaagad" -Steven
"Kapag kailangan mo ng tulong, dito lang kami" -Spencer
Umalis na sila pagkahatid nila kay Gab.
'Simula sa Lunes, magiiba ang lahat Jin. Papatunayan ko sayo na hindi totoo ang iniisip mo, pangako' sabi ni Gab sa sarili niya
BINABASA MO ANG
Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)
RomancePUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, every story should have an ending but every ending awaits a new beggining. That is still not the end, but its just the beginning of their stor...