Chapter 49: Tired
Galit na galit si Jin dahil sa nakita. She feels cheated. Pinipilit niya na pagkatiwalaan si Gab pero niloloko pala siya nito. Agad niyang tinawagan si KL kahit na nagdadrive siya.
"Bessy!"
"Jin, bakit ka napatawag? May problema ba?"
"May tanong ako sa ‘yo. Gusto ko sana na sagutin mo ng totoo."
"Sige. Ano ba ‘yon?"
"Kapag nakita mo si Spencer na may hinahalikang babae, ano ang gagawin mo?"
"Bakit mo naman ‘yan natanong? May babae na naman ba si Spencer?!"
"No, KL. Hindi ko din alam kung may babae si Spencer but so far, hindi ko naman siya nakikita na may kasama na ibang babae kaya 'wag kang mag-alala. I just made him as an example. I have a friend here who needs some advice."
"Akala ko naman kung ano na ang nangyari. Kung sakaling makita ko si Spencer na may kahalikang babae, susugurin ko sila kaagad at bubugbugin ko si Spencer."
"Si Spencer lang?"
"Oo. Alam niya na may girlfriend siya tapos makikipaglandian siya sa iba? That’s a big no for me. Si Spencer ang may kasalanan doon dahil hindi niya man lang ako inisip. Hindi naman nila 'yon gagawin kung isa lang ang may gusto, hindi ba?"
"I understand. Thanks bessy! I'll call you soon."
"Okay. Take care!"
Pinutol na ni Jin ang tawag. Dahil sa mga sinabi ni KL, lalo siyang naguluhan. Iniisip niya kung ano ba ang dapat niyang gawin.
'Ibig sabihin, hindi dapat ako magalit kay Haeja dahil kung makikinig ako sa sinabi ni KL, si Gab ang may kasalanan ng lahat kaya dapat sa kanya ako nagagalit. May point din kasi siya. Kung hindi naman gusto ni Gab ‘yon, hindi siya magpapahalik kay Haeja. Ang kapal pa ng mukha at niyakap niya pa si Haeja.'
Patuloy siyang nagdrive papunta sa bar ni Marc. Maaga pa at alam niyang sarado pa ‘yon. Naisipan niyang pumunta doon dahil sa tinawagan siya ni Marc at niyayaya siyang uminom pagdating ng gabi pero dahil ayaw na magpakita ni Jin kay Gab, naisipan niyang pumunta ng maaga. Wala naman sana siyang plano na uminom pero dahil sa nakita niya, nagustuhan niya na uminom na lang. Tumunog ang phone niya at nakita niya na si Gab ang tumatawag sa kanya. Agad niya iyong sinagot.
"Why did you call?"
"Let's meet."
"Where?"
"At my house. 4 pm. Isasama ko ang doktor na tumingin kay Haeja at kakausapin natin siya ng sabay."
"Okay, bye."
Binabaan ni Jin si Gab. Wala siyang balak na pumunta doon. Hindi rin naman siya nagsabi na pupunta siya kaya sa tingin niya, okay lang kahit na hindi niya ito siputin. Pagdating niya sa bar, sarado pa ito at wala pang tao kaya agad niyang tinawagan si Marc.
"Where the hell are you?! Nandito na ako!" naiinis na sinabi ni Jin.
"What are you doing there at this hour? Sarado pa ‘yan."
"I know. I want you to come here as fast as you can!"
"So impatient, Ms. Tan."
"I'm not in the mood right now, Mr. Mason. I need to have a drink at this hour so you have to be here."
BINABASA MO ANG
Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)
RomancePUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, every story should have an ending but every ending awaits a new beggining. That is still not the end, but its just the beginning of their stor...