[ 51 ] Good Day

39.8K 585 78
                                    

Chapter 51: Good Day

Dahan dahang iminulat ni Jin ang mata niya at doon niya lang naisip na wala siya sa sarili niyang kwarto. Nasa kwarto siya ni Gab.

"Good morning," bati sa kanya ni Gab.

"Good morning."

"Breakfast is ready. Get up, Ms. Tan."

Umupo na si Jin pero humiga din siya ulit. Inaantok pa siya at pakiramdam niya ay pagod na pagod ang katawan niya. Napaupo siya ulit nang maalala na Lunes ngayon at may pasok siya.

"Gab, anong oras na?"

"7:30."

"Malelate na ako!"

"Hindi mo kailangang magmadali. Ako naman ang boss mo at hindi kita papagalitan."

"Hindi ka magaling na boss."

"I'm giving you a special treatment, Ms. Tan. Mag-thank you ka na lang, okay?"

"Okay, thank you, Sir Gab."

"Let's eat. Ipinagluto kita."

"Really?"

"Come."

Lumabas sila ng kwarto at pumunta sa hapag kainan. Nakahanda na doon ang pagkain para sa dalawang tao. Ipinaghila ng upuan ni Gab si Jin at pinaupo ito bago siya umupo.

"Ikaw ang nagluto ng lahat ng ‘to? Ang dami naman yata?" tanong ni Jin.

"Gusto kong kumain ka ng marami. Sa isang linggo na hindi kita nabantayan, pumayat ka."

"Wala kasi akong ganang kumain noon pero sa ngayon, bumalik na ‘yon."

"Eat."

Nilagyan ni Gab ng pagkain ang plato ni Jin at sabay silang kumain. Naalala ni Jin si Marc na lagi na lang siyang pinapakain sa tuwing nagkikita sila nito.

"Isa ka sa mga babae na maganda pa din kahit na bagong gising," pagpuri ni Gab sa kanya.

Hinawi ni Gab ang buhok ni Jin at inipit sa tainga niya.

"'Wag mo nga akong bolahin, Gab! Ang aga aga pa para pagtrip-an mo ako."

"Sinasabi ko lang ang totoo. Gusto ko din ang itsura mo na suot ang mga damit ko."

"Stop teasing me, Gabriel! I want to eat but you're distracting me."

"Sinasabi ko lang naman na maganda ka kapag ganito. Gusto ko ang Jin na walang make up at simple lang. Simula nang bumalik ka, parang ngayon lang kita nakita na walang kaartehan sa katawan."

"Hindi ko alam kung pinupuri mo ba talaga ako o inaasar, eh. Ang pangit ko kaya kapag wala akong make up!"

"Nasanay ka lang sa buhay mo noon. Dati naman, simple ka lang."

"Okay, enough. Let me eat this before I lose my appetite."

Nagpatuloy sila sa pagkain hanggang sa maubos nila ang lahat ng niluto ni Gab.

"Ang daya mo, Gab. Alam mo ‘yon?"

"Ano na naman ba ang ginawa ko?"

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon