ANNOUNCEMENT:
- Special Chapters lang ang meron kapag natapos na ang book na to. Idudugtong ko lang yun dito kapag meron na. Join our group on facebook dahil pinopost ko doon kapag nagaupdate ako ng stories. http://www.facebook.com/groups/AineTan/
Chapter 56: Brother
"Baka naman nagkakamali ka lang, KL. Paano nangyaring kapatid mo siya?" naguguluhan na tanong ni Jin.
"Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko at nahawakan ko. Kaparehas na kaparehas ng pendant ng kwintas niya ang pendant ng kwintas ng kapatid ko. ‘Di ba sabi mo, mas bata siya ng tatlong taon sa ‘tin? Tatlong taon ang agwat namin ni Paolo."
"’Wag kang magpadalos dalos. Baka mamaya, kaparehas lang ‘yon ng pendant."
"Imposible ‘yon mangyari dahil pinasadya ang kwintas naming dalawa. Initials iyon ng pangalan namin sa Korean alphabet, Jin."
"Ano’ng plano mo ngayon?"
"Susubukan ko siyang kausapin tungkol dito. ‘Wag mo muna ipaalam sa iba ang tungkol dito dahil baka magkagulo lang. Sisiguraduhin ko na muna."
"Makakaasa ka. Sana nga siya na si Paolo."
"Sana nga. Tara na sa labas."
Pinuntahan nila ang mga kaibigan at nakita itong magkakasama sa pool pero hindi nila nakita doon si Marc.
"Babe, tara na dito!" tawag ni Spencer kay KL.
Sinamahan nila ang mga kaibigan sa swimming pool.
"Nananadya ba talaga kayo? Iniinggit niyo na naman ako. Makaalis na nga muna dito. Makapaghanap na lang ng chicks," sabi ni Steven sa mga kaibigan.
"Nasaan na nga ba ang girlfriend mo, pre?" tanong ni Gab.
"Hindi na makakasunod dito. Madami daw siyang inaasikaso," sagot ni Steven.
"Kaya kayo nag-aaway ni Aine, eh. Ang hilig mo kasing mambabae!" sabi ni KL.
"Ako lang ba ang nangbababae dito? ‘Yang boyfriend mo din naman, ah? Hindi mo lang siya nahuhuli. Si Gab lang talaga ang matino tino sa ‘min," depensa ni Steven.
"Itong lalaking ‘to—Oi, Steven!" sigaw ni Spencer.
Madaling umalis doon si Steven para makaiwas dahil alam niyang masisisi lang siya kapag nag-away sina Spencer at KL.
"Buti pa ako, hindi nambababae," proud na sinabi ni Gab.
"Magtino ka na din Spencer kung ayaw mo na masaktan ni KL! Haha!" sabi ni Jin.
Napansin ni KL ang pagdating doon ni Marc. Umupo lang ito sa gilid ng pool kaya nilapitan niya ito para kausapin.
"Hi, Marc!"
"Hello. May kailangan ka ba?"
"Wala. Kamusta ka pala? Ayaw mo bang sumama sa ‘min?"
"Okay lang. Kasama niyo na mga boyfriend niyo, makakagulo lang ako."
"Hindi ah! Sumama ka na sa ‘min para hindi ka mag-isa."
BINABASA MO ANG
Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)
RomancePUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, every story should have an ending but every ending awaits a new beggining. That is still not the end, but its just the beginning of their stor...