[ 57 ] Lose

43.9K 581 53
                                    

Chapter 57: Lose

"Ano’ng plano niyo, Jin?" tanong ni Haeja.

Nasa bahay sila ngayon ni Jin. Naisipan nila na doon muna patirahin si Haeja dahil baka ano ang gawing masama sa kanya ni Mika kapag nalaman nito na tinutulungan niya sina Jin at Gab.

"Hindi niya pa alam na alam na nating lahat ang totoong ginawa niya dahil nasa malayo siya. Ang alam niya lang, nagpapanggap pa din ako na buntis sa anak ni Gab," pagkukwento nito.

"Gab, ano’ng plano mo?" tanong ni Jin.

"Gusto kong marinig mismo sa kanya ang totoo. Gusto ko na umamin siya sa kasalanan niya sa ‘tin," sagot ni Gab.

"Tamang tama, magkikita kami mamayang gabi."

"Haeja, sigurado ka ba sa gagawin mo? Hindi mo na kami kailangang pang tulungan pa. Baka ano pa ang gawin niya sa ‘yo at masaktan kayo ng anak mo," nag-aalalang tanong ni Jin.

"Gusto ko kayong tulungan. Hayaan niyo na makabawi ako sa nagawa ko sa inyo."

"Sige, sabihin mo na lang sa ‘min mamaya ang lugar at oras ng pagkikita niyo. Pupunta kami doon ni Jin ng patago."

~

Nasa restaurant na sina Jin at Gab kung saan magkikita sina Mika at Haeja. Nagsuot sila ng mga bagay na magagamit nila para hindi sila makilala ni Mika doon kung sakaling makita sila nito. Nandoon na din si Mika kaya naman umupo sila malapit sa kanya para marinig nila ang pag-uusapan nila. Hindi nagtagal at dumating na din doon si Haeja.

"Hi, Haeja! It's good to see you. How are you and your baby?" tanong ni Mika.

"Okay naman kami, Mika. Salamat sa tulong mo."

Sinenyasan ni Mika ang waiter at agad na dinala doon ang mga pagkain na kanina niya pa inorder. Kagaya nila, dumating na din ang pagkain na inorder nina Jin at Gab.

"Let's talk after eating. Eat well, my dear."

Nanahimik na lang si Haeja at kumain.

'That's right, Haeja. Eat well because this will be the last time that I’ll be doing this to you. Tapos na akong gamitin ka sa mga plano ko at wala ka ng silbi. Ngayon, alam ko na magkaaway na sina Jin at Gab. Ako na ang kikilos para bawiin siya.'

Nakatingin siya kay Haeja at nang mapansin ni Mika na nakatingin sa kanya ito ay nginitian niya na lamang. Tumunog ang phone niya kaya agad niya itong sinagot.

"Hello, Marc! You missed me?"

"You know that I did, Mika. I'm so happy that you're back. Why didn't you let me know? Kung hindi pa nabanggit sa ‘kin ng stylist mo, hindi ko pa malalaman."

"Sorry, I want to surprise you. Hindi na tuloy ‘yon surprise dahil alam mo na."

"Actually, I called you because of something important. You received a big project. This is what we’ve been waiting for, Mika."

"What is it this time? I'm curious."

"Do you know Terrence?"

"Terrence Martinez?"

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon