Chapter 22: Truth and Lies
Dumating na ang araw na pinakakinatatakutan ni Terrence. Ang tagal tagal niyang tinago si Jin sa kanilang lahat at ang laki din ng hirap na pinagdaanan niya para lang makasama niya ito. Pumunta sila sa Pilipinas ni Shane o ni Jin para lang magbakasyon pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita nina Gab at KL si Jin kaya wala na siyang ibang choice kung hindi gumawa ng palabas.
Nakauwi na sina Shane at Terrence. Pagdating nila sa bahay ay agad na nagkulong si Shane sa kwarto. Gulat na gulat ito sa mga pangyayari at naguguluhan ito. Alam ‘yon ni Terrence kaya naman hinayaan niya na muna ito. Dahil nag-aalala na si Terrence dito ay kumatok na siya sa pinto para kausapin ito.
"Shane, open the door. Let's talk."
Pinagbuksan din naman siya ni Shane. Pagkakita sa kanya ni Shane ay niyakap siya kaagad nito at umiiyak lang siya ng umiiyak. Nasasaktan si Terrence na nakikita siyang umiiyak at nasasaktan. Simula kasi noong magising si Jin sa pagkacomatose niya ay ngayon lang ito nakita ni Terrence na umiyak.
"I'm sorry, Shane. I'm very sorry," sincere na sinabi ni Terrence.
"No, babe. It’s alright. Wala kang ginawang masama sa ‘kin."
"Umupo muna tayo."
Sinara ni Terrence ang pinto at umupo silang dalawa sa gilid ng kama. Tuloy pa din sa pag-iyak si Shane.
"Babe, hindi ko maintindihan. I just can't understand what’s happening. Ayoko sa kanila! Let's just go back to Korea, okay? I am Shane Alvarez. I’m not that girl they call Jin!"
"Calm down. Mag-uusap lang tayo kapag kalmado ka na. Gusto mo bang iwan muna kita dito?"
"No. Just stay here."
Niyakap ulit ni Shane si Terrence. Hinayaan na lang siya ni Terrence na umiyak ng umiyak para gumaan ang loob nito. Alam niya na naguguluhan talaga ito sa mga nangyayari pero para sa kanya, tama lang na hindi niya sinabi kay Shane ang totoo dahil masasaktan lang ito kapag nalaman niya ang lahat. Ang Shane na kilala ng iba ay mas matapang sa Jin na kilala nila noon kaya alam ni Terrence na kahit na malaman nito ang lahat ngayon, mas matatanggap at mas kakayanin niya na harapin sila dahil mas matapang na Jin na ang makakaharap nila.
"Shane, kukuha muna ako ng tubig."
Iniwan na muna siya doon ni Terrence para kuhanan ito ng tubig at pagbalik niya, tumigil na si Shane sa pag-iyak. Nakaupo lang ito at kitang kita sa kanya na malalim ang iniisip niya. Agad siyang tinabihan ni Terrence at pinainom ng tubig.
"Babe, I really want to go back to Korea. I want to be Shane Alvarez. Masaya na ako na ganito. I don’t want to go back to the life I used to have. I don't want to make my life complicated anymore."
"Wala ka man lang bang gustong itanong sa ‘kin?"
"Wala akong gustong itanong sa ‘yo pero may gusto akong hilingin sa ‘yo. Please reserve a plane ticket for the two of us. I can't stay here any longer, Terrence."
Gusto ni Terrence na ikwento ang lahat kay Shane. Kahit kasi na hindi ito nagsasabi, alam niyang maraming tanong ang gumugulo sa isip nito.
BINABASA MO ANG
Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)
RomancePUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, every story should have an ending but every ending awaits a new beggining. That is still not the end, but its just the beginning of their stor...