Click the star icon to vote :)
Chapter 32: Mental Hospital
Pagkadating ni Jin sa ospital ay dumeretso siya kaagad sa kwarto ni Gab pero wala siyang naabutan doon. Umupo muna siya sa kama at tiningnan ang ilang mga gamit na nandoon. Mayroong picture ni Gab at ng kapatid niya na si Mafelle at naroon din ang yearbook nila noong highschool pa lang sila. Kahit na alam niyang ayaw siyang papuntahin ni Mika doon ay nagpumilit pa din siya dahil alam niya na may karapatan siyang bisitahin ang kaibigan. Naghintay siya doon pero hindi pa bumabalik si Gab kaya iniwan niya na lang doon ang binili niya at nag-iwan siya ng note.
'Alam ko na magugustuhan mo 'to at nang mapadaan ako sa kung saan nakakabili nito, binilhan na kita. Sabi mo kasi sakin noon na bilhan kita nito kaya heto na. -Jin'
'Yon ang sinulat niya sa maliit na papel na iniwan niya. Umalis na siya doon dahil hinihintay din siya ni Terrence doon. Habang naglalakad siya palabas ng ospital ay 'yon din ang oras na dumating si Mika pero nagkasalisihan sila. Pagpasok ni Mika sa kwarto ay nakita niya doon ang note at ang iniwan na pagkain ni Jin. Doon niya lang narealize na nanggaling doon si Jin at hindi niya lang ito naabutan. Binasa niya din ang note doon.
'Mashed potato? Kailan pa nahilig sa pagkain na 'to si Gab? Kahit na isang beses, hindi ko nakita na kumain siya nito kahit na minsan ay kumakain kung saan niya 'to binili.’
Nagtingin-tingin si Mika sa kwarto pero hindi niya nakita doon si Gab kahit sa CR kaya nagpanic siya. Natatakot kasi siya na maaksidente ito lalo na at nung hiling mawala ito sa paningin niya ay muntikan na siyang masagasaan ng truck. Hinanap niya ito kaagad sa mga lugar na pwede nitong puntahan sa ospital. Wala sa sarili si Gab kaya alam niya na kung saan saan ito maaaring pumunta kagaya na lang ng nangyari noong nakaraang gabi. Nagtanong tanong siya sa mga tao na nakakasalubong niya sa ospital pero walang nakakakita dito.
Inabot na ng hapon si Mika sa paghahanap kay Gab pero wala pa din siyang napapala kaya pumunta siya sa bahay nito. Pagdating doon ay nakita niya na bukas ang ilaw sa isang kwarto kaya nakahinga siya ng maluwag. Sa kasamaang palad, walang kahit na anong bakas ni Gab doon at ang katulong na naglilinis ng bahay lang ang nakita niya.
'Gab, nasaan ka ba? Saan ka na naman ba nagpunta? Nawala lang ako sandali dahil may kailangan akong kunin at nawala ka na agad.'
~
Dinala sina Gab at ang lalaking nagpakilala na 'batman' sa kanya sa isang Mental Hospital na malayong malayo sa ospital kung saan sila nanggaling. Wala sa katinuan ang lalaking sinamahan niya pero dahil na itinuturing niya itong kaibigan ay napasama siya dito. Pagkababa na pagkababa nila sa sasakyan ay sinalubong kaagad sila ng isang babaeng doktor.
'Ang gwapo naman ng pasyenteng ito,' sabi ng doktor sa isip niya.
Natipuhan niya kaagad si Gab nang makita niya ito dahil bukod sa matangkad si Gab ay gwapo din ito. Dalaga pa ang doktor ay nasa 27 pa lang ang edad nito. Ang pagkakaalam ng doktor ay baliw din si Gab kaya siya dinala doon.
"Ano ang lugar na ito?" tanong ni Gab sa babae.
"This is your new home," sagot ng doktor.
BINABASA MO ANG
Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)
RomancePUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, every story should have an ending but every ending awaits a new beggining. That is still not the end, but its just the beginning of their stor...