[ 54 ] Forgive

35K 541 37
                                    

Chapter 54: Forgive

Tanghali na pero hindi pa din umuuwi si Gab kaya alalang alala na sa kanya si Mafelle lalo na ngayon at hindi lang si Jin ang nawawala kung hindi pati ang kapatid niya. Tinawagan na ni Mafelle ang mga kaibigan ni Gab para tulungan siyang hanapin ito pero walang nakakakita sa kanya. Kanina niya pa din sinusubukan na tawagan si Jin pero hindi na ma-contact ang phone nito.

'Nasaan na ba kayong dalawa ni Jin, kuya?' tanong niya sa sarili niya

Pinipilit ni Mafelle na maging kalmado. Hindi niya pa ipinapaalam sa Tatay nila ang nangyari. Ayaw niyang istorbohin ito dahil marami itong pinagkakaabalahan at bukas na ang alis nila pabalik ng Japan. Nang marinig niya ang tunog ng door bell, madali siyang tumakbo palabas dahil baka dumating na ang kapatid niya pero ibang tao ang nakita niya. Hindi niya napigilan na yakapin ang bisita nila.

"Maf, bakit--"

Hindi niya ito pinatapos magsalita at hinila niya ito papasok ng bahay nila at pinaupo.

"Bakit ngayon ka lang?! Saan ka ba nanggaling?! Bakit hindi ma-contact 'yong phone mo?! Ang buong akala ni Kuya, iniwan mo na siya! Ngayon, nawawala na din siya. Kasalanan mo itong lahat, Jin!"

Hindi nakasagot si Jin sa dami at sunod sunod na tanong ni Mafelle. Ang alam niya lang, nawawala si Gab at ikinagulat niya iyon.

"Ano?! Wala ka man lang bang sasabihin sa dami ng sinabi ko sa 'yo?!"

"Mafelle, hindi ko maintindihan. Ano ba ang nangyayari?"

"Naglasing si Kuya kagabi dahil akala niya iniwan mo na siya. Umalis siya dito ng lasing at hanggang ngayon hindi pa din siya umuuwi. Saan ka ba nagpunta?! Bakit hindi mo man lang sinabihan si Kuya?!"

"Na--"

"Hindi na pala mahalaga ‘yon. Ang mahalaga lang sa ‘kin ngayon, bumalik na si Kuya dito."

Nanahimik si Jin at nag-isip ng pwede niyang gawin.

"Tinawagan mo na ba siya?" tanong ni Jin

"Hindi niya dinala ang cellphone niya. Tinawagan ko na silang lahat at nagpatulong sa kanila pero hanggang ngayon, hindi pa nakikita si Kuya."

Nilapitan ni Mafelle si Jin at hinawakan sa balikat.

"Jin, do something! If something bad happens to him, I will never forgive you!"

"Keep calm, Mafelle."

"How can I if--"

"I'm thinking of what we should do! I’m also panicking inside but I'm trying to keep calm. Your nagging will not do any help! Stop it, okay?!" sigaw ni Jin.

Natahimik si Mafelle at umupo na lang sa tabi ni Jin. Pinilit niya na manahimik muna at nag-isip ng pwede niyang gawin.

"Anong oras siya umalis kagabi?" tanong ni Jin.

"Mga 11:30."

"The police will help in looking for a missing person after twenty four hours. If we will report it to them, they will not help us because of that rule. For now, we just have to wait."

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon