105 votes. Kaya naman diba? pagbigyan niyo nako please ^^, bilis niyo magvote ngayon e. :)) kakapanibago din. medyo nagrarush tuloy ako kasi natatakot ako na mareach yung quota tas wala akong ipangaupdate kaya ayun :) I'll do my best to make this story even more exciting :D
Ano sa tingin niyo mangyayari sa book 2? Comment niyo lang, I just want to know your opinion guys. Alam ko na marami pa din umaasa na buhay si Jin e :) pero bukod dun? What are your expectations?
Gab and KL daw. Payag ba mga Jiriel niyan? :P hohoho! JiRiel for the win! ^^,
I want to be close with my readers. I want to know how you feel about the story. I'll be as open-minded as I can. I don't have haters pa naman for now which is good :) Friends friends tayo lahat. Basta kausapin niyo lang ako kahit sa message pa yan or sa group. Mabait ako. Sadyang mukha lang masungit :D
Si Terrence daw yung nasa side, kayakap si Shane :))) bwahahaha!
VOTE || COMMENT || LIKE || RECOMMEND || BE A FAN
-AineTan
----------------------------------------------------------------
CHAPTER 12: Desperate
Hinatid ko si Gab sa kwarto niya. Inalalayan ko na lang siya kahit na alam ko na kaya niya pang maglakad magisa. Madami din kasi siyang nainom pero mukhang mataas naman alcohol tolerance niya.
Nakahiga na siya ngayon at nandito pa ako sa kwarto niya. Wala ditong kahit isa man lang na picture ni Jin o picture nilang dalawa. Siguro sa condo niya lang talaga meron.
"Inom pa tayo KL"
"Magpahinga ka na kaya"
Bumangon lang siya at may kinuha. May maliit na ref pala siya dito sa kwarto niya. Kumuha siya ng in-can na beer.
"Gusto mo?" alok niya
"Sige na nga"
Kinuha ko yung in-can na beer at umupo sa kama niya saka ako uminom. Nakaupo na din siya sa gilid ng kama niya ngayon.
"Kumuha ka na lang ng damit dyan sa dresser. Hiramin mo na lang muna yung damit ko para hindi ka mahirapan sa suot mo. May towel sa cr. kung gusto mo maghilamos, sige lang"
"Thanks Gab"
"Ge"
Mukhang sanay na siya na may bisita dito sa bahay nila. Naghilamos at nagbihis na ako saka ako umupo ulit sa tabi niya.
"Payakap nga KL"
BINABASA MO ANG
Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)
RomancePUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, every story should have an ending but every ending awaits a new beggining. That is still not the end, but its just the beginning of their stor...