[ 55 ] Unexpected

35.9K 506 46
                                    

Chapter 55: Unexpected

Naisipan ni Jin na pumasok sa opisina dahil gusto niyang makapagpaalam sa mga ka-opisina niya bago siya tuluyang umalis doon. Pagkadating niya, nakita niya si Haeja na busy sa mga trabaho niya. Pati kasi ang mga trabaho niya ay siya na din ang gumagawa.

"Jin, akala ko hindi ka na makakapasok. Hindi ka kasi pumasok kahapon."

"This is my last day. I will just finish some unfinished business here."

"Nakakalungkot na dito kapag wala ka. Wala na akong makakausap at kasama."

"’Wag kang mag-alala, sinabihan ko na si Gab na maghanap ng kapalit ko para hindi ka mahirapan lalo na sa kondisyon mo ngayon."

"Wow! That’s good news. Thank you, Jin."

"Oo nga pala, dumating na ba si Gab?"

"Tumawag siya kanina sa ‘kin. Ngayon daw ang alis nina Mr. Teppei kaya male-late siya."

Nagsimula na si Jin na ligpitin ang mga gamit niya. Matagal tagal din siyang naging sekretarya ni Gab at alam niya na mamimiss niya ang trabahong ito pero mas gusto niya na mapagsilbihan si Gab bilang girlfriend nito at hindi sekretarya kaya niya naisipang umalis.

"Excuse me, who is Ms. Jin Charel Tan?" tanong ng isang lalaki.

"It's me. Why are you looking for me?"

Nilapitan sila ng lalaki at iniabot sa kanya ang isang bouquet ng pulang rosas.

"May nagpapabigay po sa inyo."

"Sino naman?"

"Hindi ko po pwedeng sabihin. Sige po, aalis na ako."

"Sige, salamat."

Tiningnan ni Jin ang bulaklak. Wala man lang nakalagay na sulat doon kaya naisip niya na si Gab ang nagbigay noon sa kanya.

"Siguro si Gab ang nagbigay nyan sa ‘yo, Jin. Ang sweet! Bagay na bagay talaga kayong dalawa," kinikilig na sinabi ni Haeja.

"Siguro nga. Dadalhin ko muna sa sasakyan ‘to pati na din ‘yong ilan kong gamit, babalik din ako kaagad."

"Sige. Gusto mo ba na tulungan kita?"

"Hindi na. Mabigat ‘to. Bawal kang magbuhat ng mabigat. Okay lang ako, kaya ko na ‘to."

Umalis si Jin doon at pagbalik niya, umupo siya sa tabi ni Haeja at tinulungan naman ito sa mga ginagawa niya.

"Jin, dumating na pala si Gab. Nasa opisina niya na siya."

"Ganun ba? Sige pupuntahan ko na muna siya, ha?"

Nginitian lang siya ni Haeja bilang sagot. Tumayo siya at dirediretsong pumasok sa opisina ni Gab. Nang makita siya ni Gab ay halatang nagulat ito dahil hindi niya inaasahan ang pagpunta ni Jin.

"Good morning, hon!" masiglang bati ni Jin.

"Good morning, bakit ka nandito? Akala ko ba--"

Nilapitan siya ni Jin at hinalikan sa pisngi at saka siya umupo sa sofa doon. Agad naman siyang sinundan ni Gab at tinabihan.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon