Chapter 25: Jin is Dead
Pumunta si Gab si tinitirhan ni Mika dahil kailangan nilang mag-usap sa susunod na gagawin nila kay Jin. Nauna doong dumating si Gab dahil inaasikaso pa ni Mika ang pagkuha ng kopya ng CCTV footage sa mall noon.
"Oh, babe! What brought you here?" pabirong tanong ni Mika."Mika, alam mo kung bakit ako nandito ngayon."
"Im just kidding, okay? Bakit napaaga ka yata ng punta?"
"Madami akong ginagawa at ngayon lang ako nagka-oras. Aalis din ako kaagad pagkatapos natin mag-usap."
"Oh, alright. What should we do now? Wala akong nakuhang copy ng CCTV video. You should conduct a Plan B."
"May Plan B ako. Nakausap ko na si KL at ang sabi niya, magkikita sila ni Jin ngayon. Susubukan niyang ipaalala ang tungkol sa kanilang dalawa ni Zeke noon tapos bukas, kami naman ang magkikita."
"So how will you make her remember what happened that time? You don’t have anything to show her. You can't also invite Zeke here."
"Ako na ang bahala doon, Mika. 'Wag mo ng problemahin 'yon. Salamat sa tulong mo."
"I haven't done anything yet so don’t thank me. Thank me when you've taken her back. That is, if you will have her. Just go, magpapahinga na ako. I’m really tired."
"Thank you pa din sa effort mo, Mika."
"No problem, Gab. Sayang naman at hindi ako makakasama sa mga gagawin mo. Good luck with your plan. Bye."
"Bye."
Pagkaalis ni Gab, agad niyang inisip ang mga kailangan niyang gawin para maipaalala kay Jin ang lahat. Desperado na talaga siya at kahit ano ay gagawin niya para lang makuha ang gusto niya at 'yon ay ang maalala siya ni Jin.
~
Pumunta si KL sa lugar kung saan nakatira si Jin. Nakikisama na si Jin sa kanya ulit ng maayos pero alam niya na kahit ganun ay hindi niya pa nakukuha ang tiwala nito. Hindi man siya tinatarayan at tinataboy nito pero alam niya sa sarili niya na pinipilit lang nito na pakisamahan siya. Ayaw din ni KL na pilitin si Jin na maalala kung ano ang papel niya sa buhay nito noon dahil baka mainis lang ito sa kanya at ang maayos na nasimulan nila ay masira pa. Tinawagan din siya ni Gab para magpatulong sa kanya kay Jin. ‘Ibabalik ko sa 'tin si Jin, pangako.’ 'yan ang sinabi ni Gab sa kanya. Hindi man alam ni KL kung ano ang balak na gawin ni Gab pero ang alam niya lang ay gagawa ng paraan si Gab para maalala silang lahat ni Jin. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit damay pa sa plano ni Gab si Zeke. Gusto kasi ni Gab na ipaalala niya kay Jin ang nakaraan nila ni Zeke dahil makakatulong 'yon sa plano ni Gab na gawin kinabukasan. Dahil gusto din na makatulong ni KL at gusto niya ng maalala sila nito, kahit na mahirap ay susubukan niya.
"KL, let's eat."
"Shane, nandyan ka na pala."
"Yes. May kinuha lang naman ako sa ref. Nalaman ko na paborito mo 'yong chocolate cake kay Terrence. Here, I brought some."
Sinadya ni Jin na bumili ng cake para kay KL dahil sinabihan siya ni Terrence na paborito niya nga 'yon. Inilagay niya ang pagkain sa lamesa at tinabihan ito.
"Thanks, Shane."
"What are you thinking about?"
"Hm, instead of telling you, I'll show you something."
Binuksan ni KL ang dala niyang laptop at binuksan niya ang facebook niya at tinignan ang facebook account ni Zeke.
BINABASA MO ANG
Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)
RomancePUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, every story should have an ending but every ending awaits a new beggining. That is still not the end, but its just the beginning of their stor...