[ 1 ] Comeback

92.4K 1.4K 113
                                    

Click the star icon to vote :)

Chapter 1: Comeback

Limang taon na ang nakalipas pagkatapos ng pagkamatay ni Jin. Pagkalipas ng limang taon ay ngayon lang din nakabalik sa Pilipinas si KL. Sa Korea nag-aral si KL ng college. Graduate siya ng kursong Business Administration at kakagraduate niya lang. Sa ngayon ay naghahanda na siya sa pagtulong sa negosyo ng pamilya nila.

‘After 5 long years, I’m finally back. Ano na kaya ang mga nagbago?’ tanong ni KL sa isip niya.

Nasa airport siya at kakarating niya lang. Naisipan niya na bumalik ng Pilipinas para makapagbakasyon bago pa man siya maging busy.

"KL!" tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses.

Pagkalingon niya ay nakita niya si Spencer na tumawag sa kanya. Kasama nito sina Steven at Aine. Agad na nilapitan ni KL ang mga kaibigan at niyakap siya kaagad ni Aine.

"KL! Sobrang namiss kita! Long time no see! Gumanda ka ng sobra ngayon na nagmature na ang itsura mo! Maiinlove sayo lalo si Spencer nyan!" masayang sinabi ni Aine.

"Aine, past is past. Let's move on, okay?" nakangiting sagot ni KL.

"Hindi mo man lang ba namiss ang kaibigan ko? Wala bang yakap diyan? Ang tagal ka niyang hinintay. Hindi mo man lang siya pinapansin simula nung umalis ka," pangongonsensya ni Steven.

"Hayaan niyo na muna siya. Ang dami niyong tanong. Sigurado ako na pagod pa siya sa byahe," seryosong sagot ni Spencer.

"Nasaan nga pala si Gab? Bakit hindi niyo siya kasama?" tanong ni KL sa mga kaibigan.

"’Wag mo ng asahan na mapapasama siya sa ganito dahil palagi na lang siyang wala. Simula nang makagraduate kami, bihira na siyang magpakita sa amin. Masyado siyang busy at nasa Japan siya ngayon," pagkukwento ni Aine.

"Ganun ba? Pero makakapunta naman siya sa reunion natin?"

"‘Wag kang mag-alala, sisiguraduhin ko na pupunta siya dun. Next week pa naman ‘yung reunion, e," sagot ni Steven

"Tara na. Umuwi na tayo para makapagpahinga na siya," pagyayaya ni Spencer.

"Nagmamadali ka naman masyado, Spencer! Hindi mo man lang ba namiss si KL? Ang tagal niya kayang nawala!" tanong ni Aine.

"Hindi," tipid na sagot nito.

"Kunwari ka pa, pare! ‘Yong wallpaper naman ng phone mo, siya pa din!" pabirong sinabi ni Steven.

"Sa tingin ko, kailangan na nga natin umuwi ngayon dahil gabi na at may lakad pa tayo bukas," pagsingit ni KL.

Tahimik na nagmamaneho si Steven pauwi. Magkatabi sina KL at Spencer sa likod at naiilang sila kaya naman ang layo nila sa isa’t isa. Hinatid na muna nila si Spencer sa bahay nito at saka sila dumeretso sa bahay nina Steven kung saan pansamantalang titira si KL habang nasa Pilipinas siya at nagbabakasyon.

"Oi, Steven Santos, mauuna na kami sa loob. Ikaw na ang magdala ng gamit ni KL sa kwarto niya," utos ni Aine.

Agad na hinila ni Aine si KL papasok sa bahay nina Steven at pumasok sila sa isang bakanteng kwarto doon.

"Ipinaayos ko kanina ‘yung kwarto na ‘to para sa pagdating mo. Feel at home, KL. ‘Wag kang mahiya sa amin ni Steven. Hindi ka naman iba sa aming dalawa," nakangiting sinabi ni Aine.

"Sure, thank you! Dito ka na talaga nakatira?"

"Oo. Hindi na ako umalis dito simula noon. Hindi na din kasi dito tumutuloy ‘yung family ni Steven. Don’t worry, the case is different now. Before, I’m sleeping in his room but I have my own room now."

"Buti walang kalokohan na ginagawa ‘yun sa’yo?"

"You’re right. Buti na lang talaga at wala. You know what? I'm lucky that even though we’re in a relationship now for two years, he didn’t try to do something nasty. Isipin mo ‘yun, tumagal kami ng ganito at sabi ko sa kanya na gawin niya ang mga kalokohan niya sa ibang babae at hindi sa’kin. Okay lang sa akin ‘yung ganun dahil takot siya sa akin at hindi niya gagawin iyon hangga’t maaari. Oh my goodness. Ang daldal ko na ba masyado? Wala na kasi akong makadaldalan noon kaya ganito."

"It's okay, Aine. Nakakatuwa nga na ganito ka pa din makipagkwentuhan sa’kin. Even though I’m not around for five years, I feel like it’s just five months because of the way you talk to me. He's really lucky to have you."

"Swerte talaga siya dahil nag-iisa lang ako! Speaking of the devil, here he comes."

Napatingin sila sa pinto at nakita si Steven na dala ang lahat ng gamit ni KL.

"Ang bigat naman nitong mga maleta mo, KL! Ano ba ang laman nito? Ikaw naman Aine, ano na naman ba ang mga pinagkukwento mo dyan kay KL?" reklamo ni Steven.

"It's none of your business, Steven! Sige KL, labas na kami nitong lalaking ‘to. Magpahinga ka na dahil alam ko na pagod ka. If you need anything, puntahan mo lang si Steven sa kwarto niya," pagpapaalam ni Aine.

"Anong sa kwarto ko?! Ako ang maiistorbo nyan, e!" reklamo ulit ni Steven.

"Nagrereklamo ka ba?!" pasigaw na tanong ni Aine.

"Hindi, boss!"

"Don't worry, hindi ko kayo iistorbohin. Thanks again! Good night!"

Iniwan na siya nina Aine doon. Agad niyang niligpit ang mga gamit niya at nag-ayos para makapagpahinga na. Binenta na ang bahay nila noon at bakasyon lang ang punta niya dito kaya nakikitira muna siya doon. Pansamantala lang siyang mananatili sa Pilipinas at babalik din siya sa Korea pagdating ng panahon. Pagkatapos niyang gawin ang mga kailangan niyang gawin ay humiga na siya para makapagpahinga. Kahit na pagod siya ay hindi siya makatulog dahil naiisip niya si Spencer.

‘Limang taon na din simula nang maghiwalay kami ni Spencer at sigurado ako na marami na ang nagbago at nangyari sa kanya. Ni wala man lang akong alam kahit na isa dahil hindi ko na kinausap si Spencer at puro pag-aaral lang ang inaatupag ko noon.’

Hiniwalayan siya ni KL dahil ayaw niya na mahirapan ito dahil sa ibang bansa siya mag-aaral. Alam kasi niya na mawawalan siya ng oras para kay Spencer. Gusto din noon na mag-aral ni Spencer sa school na papasukan niya pero hindi siya pumayag.

‘Hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan o kakausapin. Ni hindi ko alam kung nagbago na ba siya ng ugali. Baka kasi mamaya, may girlfriend na pala siya o kaya naman nililigawan. Magsisinungaling din ako sa sarili ko kung sasabihin ko na wala na akong nararamdaman para sa kanya. Umaasa pa din kasi ako na sa pagbabalik ko, hinihintay niya pa din ako kaya hindi ako tumatanggap ng manliligaw noon. I still love him and I hope that he feels the same way for me but with his attitude towards me earlier, it seems like everything has changed. Kung ganun nga, wala na akong magagawa dahil ako din ang may kasalanan kung bakit nagkaganito.’

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon