[ 24 ] Memories of the Past

60.2K 628 96
                                    

Chapter 24: Memories of the Past

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkaroon ng importanteng tawag si Terrence galing sa Korea kaya kailangan niyang bumalik kaagad doon at iwan si Shane sa Pinas para makasama pa nito ang pamilya niya. Nakapag-usap na din sila at pumayag si Shane na makipagkita sa pamilya niya paminsan minsan. Ayaw man sanang magpaiwan doon ni Shane pero pumayag na din siya dahil nangako si Terrence na babalik ito kaagad.

"Babe, do you really have to leave me here?" malungkot na tanong ni Shane.

"I have to go, Shane. I'll be back soon. Maybe a week or so. Depende 'yon sa mga kailangan kong asikasuhin doon."

"Kung matatagalan ka, then I’ll go with you! You can't just leave me here, Terrence! What if they harassed me? Baka pilitin nila akong gawin ang mga bagay na ayaw ko."

Hinawakan ni Terrence ang kamay ni Shane.

"Nag-usap na tayo tungkol dito. Hindi ka pwedeng sumama sa 'kin. You’re strong, Shane. You can defend yourself. It’s your life so you shouldn’t let them control you. Just let me know if something goes wrong. Spend some time with Axel and your Dad while I’m gone. You’ll meet your Mom soon."

"Life will be boring without you here by my side."

"Isipin mo na lang na nandito ako at sobrang busy lang ako sa trabaho. Go out and have fun. Mabait si KL at best friend mo siya. Sigurado akong makakasundo mo siya. Kung may problema ka, you can talk to her. She will definitely listen to you. 'Wag kang matakot, okay? I trust you, Shane. You'll be able to survive here without me. You can do it. I'll call you whenever I'm not busy, I promise."

"Alright, I will try. I'll do my best for you."

"That's my girl. 'Wag mo lang kakalimutan na kailangan mong mag-ingat sa mga pagkakatiwalaan mo, okay?"

"Yes, babe. I will always keep that in mind."

"I’ll get going."

"This early?"

"Yes. I can’t miss my flight."

"Can't you leave a little later?"

Umiling si Terrence. Nalulungkot si Shane dahil sa pag-alis ni Terrence. Gusto niya talagang sumama dito.

"I'm going to miss you."

"I’ll miss you, too."

Niyakap siya ni Shane ng sobrang higpit na tila ba ayaw niya na itong pakawalan at matagal silang magkakalayo.

"Kapag hindi ko kinaya, susundan kita at hindi ko sasabihin sa 'yo 'yon."

Nang bumitiw sa pagkakayakap si Shane ay naluluha ito. Kapag nakikita niya na ganun si Shane ay nakikita niya ang dating ugali nito noon. Nilapitan siya ni Shane at hinalikan siya.

"Saranghae, oppa." (I love you)

"I love you, Shane. Take care, okay?"

"Take care. You shoult get going. I might stop you if you don't."

"Bye."

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon