Chapter 12 - Part 3 of 3

13.2K 330 10
                                    

CHAPTER 12 - Part 3 of 3

Halos maghahating-gabi na rin nang makauwi sila ng mansion. Agad namang nagdiretso muna si Minam sa kanyang kwarto nang mapag-alamang wala roon ang Auntie niya. Alam niyang hindi niya mapipigil ang damdamin sa tuwing makakasama si Tae Kyung.

Madaling araw noon nang makaramdam siya nang matinding sakit at pagka-uhaw. At kahit sobrang sama ng kanyang pakiramdam ay bumaba siya sa kusina para kumuha ng tubig.

"Minam!" gulat pa si Tae Kyung nang mabungaran itong gulung-gulo ang buhok.

"Pahingi naman ng water..." pakiusap pa niya. Talaga namang nanghihina ang kanyang katawan dahil sa trangkaso.

"A-are you okay?" nag-aalala pa nitong tanong.

"No..." pag-amin din naman niya kasabayan nang marahang pag-iling. 

"Are you sick?" Walang pag-aalangang hinipo nito sa noo ang babae. Mangha siyang napatitig dito dahil halos mapaso siya sa balat nito.  "Ang taas ng lagnat mo!"

"Tae..." hinang-hina pa niyang sabi hanggang sa unti-unti ay nagdilim ang kanyang paningin. Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari.

***

"We're almost there..." alala pang binalingan ni Tae Kyung ang babae na noo'y dumidilat na. Sobrang nag-alala siya nang mawalan ito nang malay kanina. Mabuti na lang talaga at nandoon siya nang mangyari iyon. 

Hindi naman din nagtagal ay nakarating na sila ng hospital.

"Nandito na tayo. Tara na," kayag pa niya sa babae na noo'y ilang beses pang kumurap at parang kinikilala ang lugar. Mahigpit niya iyong hinawakan sa kamay.

"H-hospital 'to, ah..." agad pa nitong inagaw ang kamay sa lalaki.

"Sobrang taas ng lagnat mo. You need to see a doctor bago pa mas lumala 'yan!" Muli ay hinawakan niya ang kamay nito para makalabas sa sports car.

"No!" mabilis pang tanggi nito na para bang takot na takot.

"Wag nang matigas ang ulo mo!" Pagpipilit pa rin niya dito.

"Hindi puwede... malalaman nilang babae ako!" Pilit pa niyang inaagaw ang kamay sa lalaki.

"Wag mo ng isipin pa 'yun! Mas importante ang gumaling ka!" may panermon pang himig niya. Hindi niya maiwasan ang mag-alala nang sobra para rito. Wala nang mas importante sa kanya kundi ang makita itong maayos.

"No, please... Ayoko... Hindi pa..." Nagkakandaiyak pa ito sa sobrang sama nang pakiramdam. Dagdag pa ang katotohanang hindi niya kakayanin ang malayo sa lalaki. Siguradung-sigurado na siya sa nararamdaman. Mahal niya si Tae Kyung! Ang kauna-unahang lalaking minahal niya.

"Don't be so stubborn, Minam. I'll take care of everything!" sabi pa niya sa pag-iisip na makukumbinsi ito. 

"Masisira ka, Tae Kyung... Ayokong masira ka..." Bumuhos nang todo ang luha nito. Hindi niya kakayaning masira ang karera nito dahil sa pakikipagsabwatan kay Mr. Lin.

"Huwag mo na lang din akong problemahin pa. I can take care of myself." Paniniguro pa niya sa babae. Mataman pa niya itong tinitigan habang mabilis na sinusuklay ng mga daliri ang buhok nito. "For now, you need to see a doctor..."

"No!" Pilit pa rin niyang inagaw ang kamay sa lalaki. "Let's go home... Please..." sumamo pa nito.

"P-pero..?" alanganin pa rin siya.

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon