Chapter 3

23.8K 527 8
                                    

Published: October 7, 2012

CHAPTER 3

Kinabukasan pagkagising pa lang ni Minam ay agad pa siyang kinompronta ni Jeremy patungkol sa nangyaring insidente sa pagitan nila ni Tae Kyung.

                "Don't tell me, you don't remember?"  Kunot-noo pa si Jeremy habang pinagmamasdang maigi ang mukha ni Minam.

                "Ang a-alin?"  Kinakabahan na siya hindi pa man.  Wala talaga siyang maalala kahit na ano.  Basta't ang alam niya nalasing siya nang husto.

                "You're a dead man!"  Panakot pa ni Jeremy. 

                "Ano ba nangyari?  'Di ko talaga maalala..."  May kasama pang iling na sagot niya.

                "You're such an idiot!"  Kinutusan pa siya ni Jeremy sa ulo. 

                "A-aray naman..."  Ngumiwi siya dahil nasaktan sa panggagatok nito.

                "Nakakadiri ka, Minam!  Iwww....."  Kinikilabutan pa rin talaga siya sa tuwing maaalala ang eksena ng dalawa.  "Try to remember the last thing that ever happened to you!"  Pagpipilit pa nito.  "Nalaglag ka sa upuan and sinalo ka niya!  You accidentally kissed him after you vomit a lot!"  Diring-diri pa rin ang hitsura nito.

                "Huh?!"  Gulat na gulat siya.  Hindi siya makapaniwala sa kuwento nito.

                "K-kaya ba ako may s-sugat sa lips?"  Agad pa niyang sinalat ang labi niya.

                "Stop doing that infront of me..."  Saway pa nito dahil nakaramdam siya nang kakaiba sa ginawang iyon ni Minam.

                "S-sorry...."  Kinagat niya ang labi at ngayon pa lang ay hindi na niya alam kung papaano lalapitan si Shin Woo.  Napakabuti pa naman ng lalaki sa kanya.  Nahihiya talaga siya sa nangyari.

                "Go!  Mag-sorry ka na!"  Pagtataboy pa nito.

                "S-sige..."  Taranta pa siyang tumayo.  Hindi talaga siya makaalala nang kahit na ano.

                Pagpasok niya sa kusina ay nabungaran niya roon si Shin Woo na abalang-abala sa pagtitimpla ng kape.

                "Minam..."  Tipid pa siyang ngumiti dito.

                "Shin Woo..."  Tumango pa siya dito at alanganing ngumiti.

                "Coffee?"  Alok pa nito.

                "Please..."  Tumango siya.  Hindi niya alam kung papaano magsisimula.

                "Seat right here."  Kinabig pa niya ang upuang malapit sa kinakaupuan niya.

                Agad naman ding sumunod ang inutusan.  Halos manlamig nang husto si Minam sa mga pagkakataong iyon.

                "How are you feeling?  May hang-over ka pa ba?"  Tanong pa niya sabay lapag sa tapat nito ng brewed coffee.

                "Medyo may kaunti pa pero okay lang 'to."  Alanganin pang sagot niya.

                "Grabe, lasing na lasing ka kagabi."  Nakangisi pa nitong inalala ang lahat at makahulugan itong tinitigan.

                "Shin Woo... sorry ha.  Hindi ko sinasadya."  Sa wakas ay nasabi rin niya kahit na halos himatayin siya sa sobrang kaba.

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon