Chapter 4 - Part 2 of 2

18.5K 423 7
                                    

Published: January 9, 2013

CHAPTER 4 - Part 2 of 2

              “Hey, Minam Go!”  Bungad pa ni Tae Kyung sa babae na noo’y abalang-abala sa pagre-rehearse ng kanta nito.

Agad namang lumingon si Minam at takang ngumiti dito.

                “Bakit Tae Kyung?” Inalis niya ang headset na nakakabit sa kanyang tainga at matamang tumitig sa gwapong mukha ng kabanda.

                “Huh, e…”  Panandali siyang natigilan nang mapagmasdan nang husto ang matamis na ngiti nito.  Ngayong babae na ang tingin niya dito, nahihirapan siyang ilabas ang kanyang bruskong ugali.  “Are you aware na mayroon tayong pictorial mamaya para sa product na i-endorse natin?”

                “A, oo!  Nabanggit na sa akin ni Mr. Lin.”

                “You seemed to be happy.”  Sarkastiko pa nitong sabi.

                “Bakit naman?  Mayroon ba akong dapat na ikalungkot?”  Kumunot pa siya.

                “Not ikalungkot,”  iiling-iling pa ito.  “Ika-praning would be the right word.”  Nakakaloko pa itong ngumiti.

                “Huh?  B-bakit..?”  Noon na siya kinabahan.

                “Hindi ba sinabi sa’yo ni Mr. Lin kung ano ang concept ng pictorial mamaya?”  Nagtaas siya ng kilay at takang umiling lang si Minam. 

                “We’ll be having our pictorial on a pool.”  Ipinagdiinan pa niya ang salitang ‘pool’.

                “P-pool?”  Nanlaki ang mga mata niya at halos magkandabulol pa siya.

                “I can’t wait to see you on trunks!”  Nakangisi pa nitong sabi sabay talikod.  Gusto lang din niyang nakikitang napa-praning ang babae sa kanya.  Tila may hatid na tuwa sa kanya sa tuwing ito’y naiinis niya.

                Naiwan namang alalang-alala si Minam sa mga pagkakataong iyon.  Pakiwari niya’t katapusan na talaga niya hindi pa man.

               

                Kaya naman nang hapong iyon sa pictorial ay hindi mapakali si Minam.  Pero nang iabot sa kanya ni Mr. Lin ang isusuot niya ay gan'on na lang ang katuwaan niya dahil hindi ‘trunks’ ang isusuot nila tulad nang panakot sa kanya ni Tae Kyung. 

Kumpiyansang pinuntahan niya si Tae Kyung sa kinauupuan nito at ibinalik ang pang-uuya dito.  Ngumisi siya dito at tinaasan lang siya ng kilay nito.

                “Hindi tayo naka-trunks!”  Abot-tainga pa ang ngiti niya at ismid ang ibinalik ng lalaki sa kanya.

                “Yeah…”  Tumangu-tango pa ito.  “You’re too lucky I guess.”  Tumayo ito at matamang tinitigan ang babae mula ulo hanggang paa.  “I am not expecting to see a view anyway.”  Inihinto nito ang tingin sa dibdib ng babae bago ibalik ang tingin sa namumulang pisngi nito.  "Right?"  Ngumisi pa siya sabay kagat sa kanyang labi.

                “Bastos…”  Pabulong lang niyang sabi at pasimpleng pinaghalukipkip ang dalawang kamay.

                “Better yet, tied those up ‘coz you don’t want it to come off at the water.”  Iiling-iling pa itong lumayo sa nagngingitngit namang babae.

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon