Chapter 21 - Part 2 of 3

11.5K 283 13
                                    

CHAPTER 21 - Part 2 of 3

Halos madaliin ni Gemma ang pagkain.  Hindi na naman niya mapipigilan ang maiyak sa tuwing maaalala ang ginawang pagtalikod sa kanya ng lalaki noon.  Gayunpaman, mahal niya ito at pilit na inuunawa ang kalagayan nito.

                "Gusto mo umuwi na muna?  Unahan na lang natin si Mr. Riviera,"  suhestiyon pa niya sa lalaki matapos nilang makakakain.  Mahaba-haba pa rin kasi ang araw at alam niyang baka napipilitan lang itong pakiharapan siya.

                "Do you want to go home?"  Hindi nito naiwasan ang malungkot sa narinig.  Hindi kaila na umiiwas ito sa kanya.

                "H-hindi... Ikaw nga."  Mapakla pa siyang ngumiti.  "Baka maalala mo lang ulit ang Papa ko sa tuwing makikita mo ang mukhang ito,"  mapait pang biro niya rito.

                "I want to spend my entire day with you,"  matapat namang sagot niya dito.  "If it that was okay with you?"

                "Huh?"  Hindi siya makapaniwala sa narinig mula rito.  "Sure ka ba?"

                "Yeah..."  Tumangu-tango pa siya.  "Besides, baka mapagalitan na naman tayo ni Mr. Riviera kapag hindi natin nagawa nang maayos ang photoshoot.  Pero ikaw... Gusto mo bang umuwi muna?"  Palihim nitong idinarasal na hindi ang huling naiisip niya ang gusto ng babae. 

                "Huh, e..."  Bigla siyang naguluhan sa isasagot.  Dahil kung siya ang tatanungin, matagal na panahon na niyang inaasam na makasama ulit ang dating nobyo.  At umaasang naisip na nito ang ginawang pang-iiwan sa kanya. "Ikaw lang naman ang inaalala ko..."

                "I'm fine..."  Walang pag-aalangang mahigpit na hinawakan ang kamay nang nagulat namang babae.  "I just want you to be comfortable with me..." Napalunok pa siya nang mapatitig sa mukha nito.  "Is this okay?  Wala namang magagalit, 'di ba?"  Mas lalo niyang naramdaman kung gaano ang pagka-miss niya rito.

                "O-okay..."  Nahihiya pa siyang yumuko at agad na pinanlamigan. Halos magkulay-makopa pa siya sa harap ng lalaki.

                "Hindi kaya patayin ako ni Shin Woo kapag nakitang hawak ko ang kamay mo?"  pasimpleng usisa pa nito kahit na kinukurot ang puso sa sariling tanong.

                "E-ewan ko..."  Alanganin pa siyang ngumiti.  Hindi halos alintana ang pagseselos ng lalaki.

                "Tara..."  Hinila pa niya ito papunta kung saan.  At dahil celebrity silang parehas, sa lugar kung saan walang tao sila nagpunta.  At rooftop ang naisip na puntahan ni Tae Kyung.

                "Tae Kyung, bawal dito, 'di ba?  Baka mahuli tayo?"  Kinakabahan pang iginala ni Gemma ang tingin sa paligid.

                "Don't worry, kaya nga hindi tayo nagpakita sa guard, 'di ba?"  Nakangisi pa itong tumitig sa kabadong babae.

                "Sigurado ka ba?  Hindi ba tayo makukulong sa ginagawa natin?"  Hindi lang talaga niya maiwasan ang mag-alala.

                "Nope!"  siguradong sagot pa nito at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ng babae.  Maingat pa niya itong hinila palapit sa may edge kung saan tanaw na tanaw ang lahat ng mga nagtataasang building sa paligid.

                "Oh my... nakakahilo..."  Mabilis pang tumalikod si Gemma at napaharap sa lalaki na noon pala ay sa kanya nakatingin.  Sa sobrang lakas nang kalabog ng kanyang puso ay parang nauubusan siya nang lakas.

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon