CHAPTER 20 - Part 2 of 3
Mabilis na lumipas ang panahon. Kahit na papaano'y nagamay na nang husto ni Minam ang buhay niya bilang celebrity. Si Gemma naman ay nabigyan rin ng break sa modeling industry. At ngayon nga ay mukhang magiging solo singer artist na rin siya sa tulong ni Mr. Lin na siya pa ring nagma-manage sa kanya. Noong una kasi ay nagtuturo lang siya sa isang orphanage pero nang mag-offer si Mr. Lin sa modeling ay tinanggap na rin niya dahil sa kagustuhang makapag-ipon at makapang-ibang bansa.
"Grabe, Sister..." Si Mr. Lin na nakasanayan na rin ang ganoong tawag sa babae. Sa ngayon nga ay abalang-abala ito sa pag-aayos ng schedule ng babae. "Buti na lang at hindi ako sinesesante ni Mr. Han," iiling-iling pang kuwento nito. "Mas madalas kasing sa'yo na ako nakakapag-focus. Nakakaligtaan ko ang ibang appointments ko sa clients ng A.N.Jell," nakangiwi pang sabi nito.
"Huwag naman gan'un, Mr. Lin. Kawawa naman din A.N.Jell kapag pumalpak ka," may panermon pang umiling-iling siya rito.
"Sabi ko nga!" Nakangiwi pa itong ngumiti kasabayan nang pagkakamot ng ulo nito.
"Mr. Lin, kumusta na si Tae Kyung?" Hindi na niya napigilang magtanong. Kahit pa hindi naging maging maganda ang paghihiwalay nila ay nananatili ang concern niya sa lalaki.
"Naku, na-miss mo na naman ang siraulong 'yun!" nakasimangot pa nitong sabi. "Ayun, palagi pa ring nakasambakol ang mukha," sabi pa nito sabay ismid. Hindi talaga niya nagustuhan ang ginawang pambabalewala ng lalaki kay Gemma.
"Nagka-ayos na ba sila ng Mama niya?"
"Si Nera?" Kunot-noo pa ito. "Noong isang araw napunta sa studio at mukhang nag-aaway na naman yata. Ayaw na yatang kantahin 'yung remake song."
"Gan'un ba?" Hindi pa niya naiwasang mapabuntong-hininga. Kahit papaano kasi ay umaasa siyang magkakaayos ang mag-ina. Sa ganoong paraan ay naiisip niyang baka sakaling maging maayos na rin ang mood ni Tae Kyung at hindi na ito magiging magalitin.
"Ano ka ba?" Iiling-iling pa ito. "Kalimutan mo na nga ang lalaking 'yun. Kay Shin Woo mo na lang ibaling yang feelings mo."
"Mr. Lin naman..." Ngumuso siya at inirapan ito. "Para ko lang kapatid 'yun. Wala akong maramdamang kakaiba," matapat pa niyang pagsasabi dito. Kahit naman kasi tinapat na niya ang lalaki ay hindi pa rin ito tumigil sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanya. Pero hindi niya kayang lokohin ang sarili. Walang ibang itinitibok ang puso niya kundi si Tae Kyung.
"Mapag-aaralan mo rin 'yun," pangungumbinsi pa nito. "Kita mo na nga at ni hindi ka man lang iniisip ng Tae Kyung na 'yun!" nakasimangot na sabi pa nito. "Kaya lumubay ka na!" Dinilatan pa niya ito.
"Matindi lang talaga ang pinagdaanan n'ung tao. Huwag mo na lang din husgahan." Nasasaktan rin naman siya kapag may nasasabing hindi maganda si Mr. Lin sa dating nobyo. Naiintindihan niya anuman ang pinagdadaanan nito.
"Mahal mo pa nga siya." Napahugot pa ito nang isang malalim na buntong-hininga. "Bahala ka na nga..."
Mapait lang namang ngumiti si Gemma at hindi na nagkomento pa. Mahal niya si Tae Kyung at kahit pa matagal na panahon na ang nakalipas ay hindi noon nababago ang nararamdaman niya.
"Oo nga pala. May kumukuha sa akin para mag-endorse ng apparel," balita pa niya rito. "Kaso ini-endorse ni Tae Kyung 'yun. Baka kasi mabad-trip lang sa akin 'yung tao kapag itinuloy ko 'yun." Alanganin talaga siyang pagdesisyunan ang bagay na iyon dahil sa lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/2147180-288-k610539.jpg)
BINABASA MO ANG
HE'S MY GIRL!
Novela JuvenilSi Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya lalaki katulad nang inaakala ng mga kasama sa grupo. Kakambal lamang siya... Nagkunwari siyang lalaki upang tulungan ang kapatid na hindi tuluy...