Chapter 4 - Part 1 of 2

19.6K 465 9
                                    

CHAPTER 4 - Part 1 of 2

Kaya naman kinagabihang iyon ay nagpasya si Minam na kausapin si Tae Kyung.  Sakto namang paglabas niya sa opisina ni Mr. Lin ay nasalubong niya ito na at mukhang papunta sa opisina ni Mr. Han.

                "Tae Kyung!"  Pigil pa niya sa lalaki.

                "Hey, Minam girl..."  Sarkastiko pa itong ngumiti.

                "Tae Kyung, please, magpapaliwanag lang muna ako..."  Sumamo pa niya dito.

                "Paliwanag?"  Kumunot pa ito.  "You pretended to be a guy!  Niloko mo kaming lahat!"  May gigil pang sabi niya.

                "M-may rason ako kung bakit ko nagawa 'to.  Nagpapagaling ang kakambal ko sa medyo pumalpak na surgery sa kanya. Pinakiusapan ako ni Mr. Lin na i-replace siya pansamantala dahil alam niyang urgent need ang posisyon ni Minam sa banda ninyo."

                "And that leads you to become the replacement?"

                Tumango na lang siya sa tanong nito.  Hindi pa rin niya tantiyado kung makukunmbinsi niya ito lalo na nga't iba raw talaga ang ugali ni Tae Kyung.

                "Hindi naman namin intention na manloko pero this is Minam's dream.  Ayaw naming mawala itong lahat dahil sa kapalpakan ng ibang tao."

                "To wrap it up, niloko n'yo pa rin kami!"  Galit pa rin nitong sabi sabay diretso ulit sa paglalakad.

                "Please, please... 'wag! Parang awa mo na!"  Kulang na lang ay maglumuhod siya dito.

                "This video will prove everything that you're a scam artist."  Ipinakita pa nito ang video ng pag-uusap sa pagitan nila ni Mya.

                "Tae Kyung..."  Noon na nangilid ang luha niya.  Tila iyon na ang tatapos sa lahat ng pinaghirapan ng kapatid.

                "If you'll excuse me,"  tumikhim ito at dinagil para makadaan.

                Agad naman ding pinagana ni Minam ang utak niya at mabilis na inagaw ang cellphone ng lalaki at mabilis ring nagtatakbo palayo dito.

                "Minam!"  Agad naman din siyang sumunod dito at hinabol.

                Halos maikot nila ang buong mansion sa paghahabulan pero dahil likas na mas mabilis ang lalaki ay naabutan pa rin iyon ni Tae Kyung.

                "Give me back my phone!"  Demand pa nito.

                "No!"  Mabilis pa niyang tanggi at ikinubli sa likod ang cellphone nito.  "Hindi ko hahayaang sirain mo ang pangarap ng kapatid ko!  Sorry, Tae Kyung pero ito lang ang paraan para kahit papaano'y maisalba ko ang pangarap niya!"

                "But not on cheating people!  Sa tingin mo, hindi ka mabubuking ng ibang tao?!"

                "Hindi ako pabubuking!  Gagawin ko lahat para hindi malaman ng iba!"  Noon na siya tuluyang naiyak.  Ang laki na din nang hirap niya sa pagpapanggap alang-alang sa kanyang kapatid.

                "Kaya pala you're being too careless on that video!"  Sarkastiko pa nitong sabi.  "Give me that!"  At puwersahan na niya itong inagaw.  Sakto namang hindi sinasadyang nabitiwan iyon ni Minam at bumalibag sa ibabaw ng truck ng catering nila na nasa unang palapag.

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon