Chapter 19

11.9K 242 11
                                        

CHAPTER 19

Halos kasabayan din nilang dumating si Shin Woo sa A.N.Jell Mansion.  At siyempre pa, naka-disguise na lalaki na ulit si Minam.

                "How was the vacation?"  Si Mr. Han na wala pa rin talagang kaalam-alam sa pagkatao ni Minam.

                "It was nice."  Si Tae Kyung ang sumagot.  "Wala nga lang akong na-trabaho..."  Napabuntong-hininga pa ito lalo na nga't ilang araw na lang ay kailangan na niyang i-record ang kantang nire-request ng kanyang Mama.

                "You need to get things done, Tae Kyung. Any day from now, tiyak na bibisita na si Nera para pakinggan ang areglo mo sa kanta niya."

                "I know..."  Makahulugan pa siyang napatingin sa nobya na nakakaalam ng sikreto niya.

                "Iwan ko muna kayo. Mukhang may i-set din kaming concert n'yo sa Japan."  Tinapik pa nito sa balikat si Tae Kyung at bahagyang binalingan ang tahimik lamang na si Shin Woo.  "'Yung pasalubong ko, baka makuha pa ng iba diyan!"

                Tumango lamang si Shin Woo rito bilang sagot.  Itinuro nito ang dami ng pasalubong niya at hindi ito mauubusan.  Nang tuluyan nang makaalis si Mr. Han ay tsaka naman iniabot ni Minam ang susi ng resthouse nito.

                "So, how was the house?"  pangungumusta pa niya sa dalawa.

                "It was nice... Very private."  Kinindatan pa niya ito.

                "I thought so..."  Tipid lang siyang ngumiti rito.  Kahit papaano'y tanggap na naman niya kung ano ang lugar niya sa puso ni Minam.

                "Hey, hey..."  Si Mr. Lin na bigla na ring nakisali.  "Don't' tell me nakabukod ang bakasyon nitong dalawang ito?"  Pinaghalinhinan pa niya nang tingin sina Tae Kyung at Minam.

                "Yeah, for two days lang naman," matapat naman ding sagot ni Shin Woo.

                "Two days alone?!"  Nagdudumilat ang mga mata nito.

                "Mr. Lin!"  saway naman ni Minam sa tila maduming iniisip nito sa kanila.

                "Hey, sister..."  Iiling-iling pa siya rito.  "Tell me, hinarass ka ba ni Tae Kyung?"  nag-aalala pang tanong nito lalo na nga't kitang-kita niya kung gaano ka-affectionate si Tae Kyung pagdating dito.

                "Hindi po!"  maktol pa niya sa manager. 

                "Sigurado ka?"  alala pa rin ito.  "I can't picture you being pregnant for the coming months now!"  Advance na advance yata ang isip nito.

                "Hindi naman po kami kasal. Bakit namin gagawin 'yun," nakanguso pang sabi ni Minam rito kasabayan nang pamumula ng kanyang pisngi.

                "Ikaw, Mr. Lin, ang dumi ng isip mo!"  Si Mya na agad pang piningot sa tainga ang lalaki.  "Hindi lahat ng babae open sa gan'un!  Alam naman din siguro ni Tae Kyung kung saan nanggaling si Minam!"

                "Naniniguro lang ako!"  Iiling-iling pa ito.  "Dito ako kay Tae Kyung walang tiwala!" baling pa nito kay Tae Kyung na agad naman ding nakadepensa.

                "Hey, hindi ako katulad nang iniisip mo," nakaismid pa itong umiling-iling.  "I love and respect Minam, okay?"

                "You love her?"  Si Heini!

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon