Chapter 2

33.2K 626 13
                                    

Published: October 7, 2012

CHAPTER 2

May kung iilang araw pa lang ding naglalagi si Minam sa mansion ng A.N.Jell ay tila taon na ang pakiramdam niyang inilalagi doon.  Masyado kasing mapagmatyag sa kanya si Tae Kyung.  Tila hindi siya gusto nito na ewan.  Gayunpaman, sa lahat ng miyembro ng banda, ay ito lang ang tila natatangi sa kanyang mga mata.  Papaano naman kasi'y napaka-gwapo nito kahit pa walang make-up.  Tila sanggol ang balat at talaga namang artistahin talaga.  Gwapo rin naman sina Shin Woo at Jeremy pero marahil dala nang sobrang pagkasuplado ni Tae Kyung ay nakadagdag karisma pa iyon sa pagkatao nito.

                "Hey, Minam!  Tumugtog ka nang maayos!  Wala ka sa tono!"  Sita pa sa kanya ni Tae Kyung habang nagre-rehearsal sila.

                Sa halip na magsalita ay pinigilan lang niya ang emosyon.  Sa tantiya niya'y hindi ubrang magpaka-sensitive siya at mabubuking lang siya ng mga ito.

                "Kaya mo 'yan, Minam."  Si Shin Woo na pinaka-mabait sa lahat.  Palagi itong nakangiti sa kanya at pinapalakas ang loob niya.

                "Salamat."  tumango lang siya dito at muling tumipa sa piano.  Alam niyang kailangan niyang pagtiisan lahat para sa pangarap ng kapatid.

               

                May kung ilang araw ding ganoon ang gawain nila sa banda.  Non-stop rehearsal ng mga kanta dahil siya ang pinakabago at sinasanay talaga siya ng mga ito.  Pinaka-tutok sa kanya si Tae Kyung na hands-on pa sa ginagawang pagtuturo sa kanya.

                "Ready ka na, Minam?"  Si Mr. Lin na pasikreto pa siyang tinawag mula sa studio.  "I heard, i-launch ka na ni Mr. Han, sometime next week."

                "Next week na?!"  Nagdudumilat pa siyang tumitig dito.  Sa tantiya niya'y hindi pa niya kayang humarap sa maraming tao.               

                "Yeah, next week."  Kumunot pa ito.  "Don't tell me, ngayon ka pa magback-out?" 

                "Puwede ba?"  Sumamo pa niya at bigla na naman siyang kinabahan.

                "No!"  Mabilis pa nitong tanggi.  "Lakasan mo nga 'yang loob mo!"

                "Kailan ba gagaling si Minam?"  Pagmamaktol pa niya.  "Iilang araw pa lang ako dito, feeling ko anytime soon, mabubuking na nilang babae ako!"

                "Hey, hey... sssshhhh...."  Mabilis pa nitong tinakpan ang bibig ng babae.  "You can't be soft here.  Magpakalalaki ka!"

                "Pero girl ako!"

                "Hey, hey!"  Muli ay awat nito.  "I said stop!  Kaya mo 'yan okay?  Do your best and I'll be your biggest supporter.  Akong bahala sa'yo."

                "Paano kung mabuking tayo?  Ang hirap gumalaw mag-isa."  Alalang sabi pa niya.  Hindi na siya komportable sa ginagawa niya.

                "Hmm...."  Malalim pa itong  nag-isip.  "I knew someone we can trust..."

                "Huh?  Sino naman?"

                "'Wag mo muna isipin."  Umiling pa ito sabay ginulo ang buhok nito.  "Trust me on this one, okay?  Bumalik ka na sa studio at mukhang totopakin na naman si Tae Kyung."  Pagtataboy pa nito.

                "Sige..."  Bumuntong-hininga siya.  Papaano nama'y walang panahon na hindi siya sinungitan ng lalaki.

               

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon