CHAPTER 15 - Part 2 of 3
At nang makarating nga siya sa lugar ay hindi nga siya nagkamaling nakita ang babae na nasa dilim at umiiyak. Kahit pa nag-aalangan ay marahan siyang lumapit sa kinakaupuan nitong malaking bato.
"Tae Kyung?" Hindi makaaninag nang mabuti si Minam lalo na nga't hindi naman pinatay ng lalaki ang ilaw ng sports car nito. Pero kahit pa gan'un, kilalang-kilala niya ang pigura nito.
"I'm sorry," mahina pa niyang sabi habang patuloy na humahakbang palapit sa babae na hindi maikakailang umiiyak.
"B-bakit ka naman nagso-sorry..?" Pinilit pa nitong pasiglahin ang boses at agad na pinalis ang luha sa mga mata.
"I didn't know..." Napabuntong-hininga pa siya nang tuluyang makalapit dito. Halos kainin ng guilt ang kanyang puso sa nakikitang lungkot ng babae dahil sa kagagawan niya. "...na nasasaktan pala kita dahil hindi kita nakikita."
Sa halip na magsalita ay yumuko lamang si Minam. Tila nakuha na agad niya ang ibig nitong sabihin. Nabuking na pala siya ng lalaki.
"From here, I can see you clearly..." Humakbang pa ulit siya nang mas malapit dito. "The little star Minam can be seen by the brightest star Tae Kyung in the darkest night. You're not only aware that I am just at your back. All this time..."
Agad na napaangat nang tingin si Minam dito. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
"Tae Kyung..." Agad na nangilid ang kanyang luha nang masalubong ang malamlam na mga mata nitong nakatitig nang husto sa kanya. Pakiramdam niya'y lalabas na ang kanyang puso sa dibdib sa sobrang lakas nang kalabog noon.
"You should have told me..." Mapakla pa siyang ngumiti sabay pinunasan ang luha ng babaeng mabilis na bumasa sa pisngi nito. "It's okay to like me. Billions of people liked me. Loved me. And, it was okay with me. It's part of my job..."
"Puwede rin ba akong maging fan mo?"
"Fan?" Napakunot-noo pa siya at biglang nalito sa ibig ipakahulugan nito. "Yeah, of course..."
"H-hindi ka maiilang sa akin? Kahit pa may nararamdaman ako para sa'yo?" nahihiya pa nitong sabi.
Saglit na natahimik si Tae Kyung habang matamang pinagmamasdan ang babae.
"I said it's okay..." Tipid pa siyang ngumiti rito. "You're a very special fan..."
"Special fan?" Mataman pa nitong tinitigan sa mga mata ang lalaki na noo'y parang nagniningning na bituin sa langit.
Marahang sumilay ang ngiti sa kanyang labi sabay hawak sa kamay nito. "Way too special I guess..." makahulugan pang bitaw niya nang salita. "I think I'm inlove with my fan too..."
"Huh?" Napaawang lang ang labi nito sa pagkagulat. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito. Panandaling huminto ang kanyang mundo sa pag-ikot. Mahal siya ni Tae Kyung!
"I'm not so good at this," nakangiwi pang sabi nito. Mabuti na lang at madilim dahil hindi pansin ng babae ang pag-iinit ng kanyang mukha. "You look very pretty with that dress..."
"Akala ko ba?" Hindi na nito naituloy ang sana'y sasabihin dahil biglang dumapo ang labi ng lalaki sa kanyang mga labi! Nanigas ang kanyang katawan at hindi niya mawari kung tutugunin ba iyon o papaano. Pakiramdam niya'y hihimatayin na siya sa sobrang lakas nang kalabog ng kanyang puso. Kumpara sa nakaraang halik nito sa kanya, punung-puno ng damdamin ang halik nito.
BINABASA MO ANG
HE'S MY GIRL!
JugendliteraturSi Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya lalaki katulad nang inaakala ng mga kasama sa grupo. Kakambal lamang siya... Nagkunwari siyang lalaki upang tulungan ang kapatid na hindi tuluy...