CHAPTER 14 - Part 2 of 2
Alanganin pa siyang napatitig sa babaeng nakahinto sa kalagitnaan ng mga nanonood. Nang mailawan ito nang kaunti ay saka siya nakasigurong si Minam nga iyon.
“I know you can hear me… please…” malakas pa niyang sabi pero hindi magawang lumapit sa babae dahil sa sobrang dilim. Halos wala kasi siyang makita kaya’t nilakasan na lamang niya ang boses niya.
Agad na nag-flash ang mga camera sa paligid para kuhanan siya. Sakto ring nagbukas na ang ilaw sa buong bulwagan! Si Minam ay halos nasa harapan lang niya at umiiyak! Lalapit sana siya nang biglang yakapin ito ni Shin Woo at ibinaon ang mukha ng babae sa dibdib nito. Makahulugan pang lumingon sa kanya si Shin Woo at pilit na itago ang mukha ni Minam sa karamihan.
Agad namang nagkagulo ang mga reporters papunta kay Shin Woo lalo na ang pinaka-batikang reporter sa lahat!
“Sino siya, Shin Woo?” tanong pa ng mga reporter.
“Girlfriend ko…” sagot na lamang nito at muling tinapunan nang tingin ang seryosong si Tae Kyung.
“Really?” Halos hindi makapaniwala ang mga nakarinig at mas lalong dumami ang kumuha ng mga pictures. Kulang na lang ay hindi siya makakita sa liwanag dulot ng mga flash niyon.
Noon na gumalaw ang mga security ng A.N.Jell para ilayo sila sa mga reporters at fans na nagkakagulo na. Ang iba ay nag-iiyakan pa na akala mo namatayan dahil sa pag-amin na iyon ni Shin Woo.
“Why do you have to bring your girlfriend here, Shin Woo?” medyo pagalit na tanong pa ni Mr. Han. Iiling-iling ito at bakas ang pagka-inis sa pangyayari. Naantala tuloy ang maayos na simula sana ng mini concert.
“Sorry, Mr. Han…” Tumungo siya at mas lalong niyakap nang mahigpit si Minam. Randam niya ang mainit na hininga nito sa kanyang dibdib.
“Pasama kayo sa security! Lumayo muna kayo sa tao!” Iiling-iling pa itong lumayo at pumunta muna sa stage para kalmahin ang tao.
Pasimple namang yumuko si Tae Kyung para damputin ang nasirang clip ni Minam. Nang mapagtantong wala ang atensyon sa kanya ng tao ay tsaka niya kinayag si Jeremy na sumunod din kina Minam at Shin Woo. Si Minam naman ay may takip sa mukha papasok sa isang pribadong kwarto sa stadium.
Nang tanggalin ni Minam ang takip sa kanyang mukha ay manghang-mangha tuloy si Jeremy. Mataman pa nitong tinitigan ang babae habang nakayuko.
Hindi naman magawang mag-angat nang tingin ni Minam. Hiyang-hiya siya sa mga pangyayari.
“So, Minam is a girl…” Si Jeremy na kulang na lang idikit ang mukha kay Minam. “K-kaya pala, iba ang balat mo sa amin…”
“All along… you never tried to tell me,” naghihinampo pang sabi ni Shin Woo.
Noon na lang napaangat nang tingin si Minam at sinalubong ang seryosong mukha ni Shin Woo.
“I’m sorry, Shin Woo, Jeremy…” Mabilis pa niyang pinasadahan nang tingin ang dalawa.
“What about you, Tae Kyung? Dati mo pa alam?” sita pa ni Jeremy sa leader nila.
“Yeah…” may kasama pang tango na sagot nito. “Minam’s twin brother is currently recovering from face surgery. Pinakiusapan lang nila ako ni Mr. Lin na for the meantime, magpanggap muna si Minam bilang brother niya.”

BINABASA MO ANG
HE'S MY GIRL!
Teen FictionSi Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya lalaki katulad nang inaakala ng mga kasama sa grupo. Kakambal lamang siya... Nagkunwari siyang lalaki upang tulungan ang kapatid na hindi tuluy...