Chapter 15 - Part 1 of 3

11.9K 289 7
                                    

CHAPTER 15 - Part 1 of 3

Simula nang malaman nila Shin Woo at Jeremy na babae si Minam ay hindi na nila ito hinayaang makitulog pa sa kwarto ni Tae Kyung.  Sa halip ay pinagpursigihan na nilang maipaayos ang isang kwarto para rito.  Gayunpaman,  ang secret ni Minam ay nananatiling umiikot sa kanila lamang.  Hindi pa rin dapat malaman nang iba na babae si Minam.

                Muli na namang naging abala si Minam sa pagsu-shooting ng music video para sa single niya.  At dahil sa popularity ni Heini, kasama pa rin ito sa video shoot bilang leading lady.  Pero panandalian silang natigil nang biglang bumuhos nang malakas ang ulan!

                "Mya..."  Si Heini na noon ay sumimple sa assistant ni Minam.

                "Ano 'yun Heini?"  matamis na matamis pa ang pagkakangiti niya dito.

                "Gusto ko sana i-surprise si Minam..."  kunwari ay nahihiya pa niyang pagsasabi.  Isang maitim na balak ang tumatakbo sa utak nito.  Narinig kasi niya si Mr. Lin at Tae Kyung na nag-uusap tungkol sa pagkakagusto ni Minam kay Shin Woo.  Gusto lang din niya makasigurong si Shin Woo nga ang gusto ni Minam at hindi si Tae Kyung.

                "Ano naman 'yun?"  Abot-tainga ang ngiti nito lalo pa nga't napamahal na sa kanya si Minam kaya gusto niya itong nakikitang masaya.

                "Tae Kyung once told me na may gusto pala itong si Minam kay Shin Woo," pabulong pa nitong sabi.

                Kumunot siya at napaawang ang labi sa pagkagulat. "Really?"  Hindi siya makapaniwala sa narinig at agad na kinilig para kina Minam at Shin Woo.

                "Since hindi naman nagkakaroon ng time na makapagsolo sila bilang girl at boy, maybe we can set a small date for them doon sa may garden.  Wala namang reporters dito, diba? So safe sila at tsaka mukhang 'di pa tayo makakapag-shoot. Kita mo naman ang lakas ng ulan."  Tumingala pa siya at tinapunan nang tingin ang nagdidilim na langit.

                "That's a good idea..."  Tatangu-tango pa si Mya.

                "I'll lend you one of my dress. Ipasuot mo kay Minam. Bahala ka na dumiskarte kung papaano mo gagawin." Lihim pa siyang napangiti.

                "Game ako diyan!"  Si Mya na wala atang kamalay-malay sa masamang plano nito.

                "Good..."  Pasikreto pa siyang napatingin sa abalang-abalang si Minam.  Nakatawag na rin siya ng reporter na magbubuking sa katauhan nito.

                At tulad nga nang napag-usapan ay kinayag ni Mya si Minam para makapag-ayos.  Ang hindi alam ni Minam ay aayusan pala siya nito na parang babae.

                "Wow, Minam, ang ganda-ganda mo talaga!"  Si Mya na hindi mapigil ang sariling purihin ito.

                "Mya!  Make-up pambabae 'to!"  taranta pa siyang napatitig sa salamin at mabilis na iginala ang tingin sa paligid.

                "Ano ka ba?  Wala naman ibang pupunta dito.  Hindi mo ba namimiss maging babae?"

Mariiin niyang kinagat ang kanyang labi at muling tinitigan ang sarili sa salamin. Panandali ay parang hindi niya nakilala ang sarili. Maganda siya tulad nang palaging sinasabi sa kanya ni Mother Superior pati na rin ng kanyang kapatid na si Minam. Namiss niya ang pagiging Gemma.

                "For once, i-enjoy mong babae ka. Wala namang ibang makakakita sa'yo rito.  Nasa hotel ang mga 'yun at nagpapahinga.  Ang lakas ng ulan, oh!"  Sumulyap pa ito sa labas kung saan parang galit na galit ang langit sa lakas nang pagbuhos ng ulan.

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon