CHAPTER 10 - Part 2 of 2
May kung ilang araw din ang lumipas bago tuluyang nasundo si Minam sa rest house. At si Shin Woo ang nagmagandang loob na sunduin ito.
"Nakahanap ka na ba ng inspirasyon sa kanta mo?" tanong pa ni Shin Woo habang nagmamaneho ito.
"Oo..." malungkot pang sagot na lang niya.
"Hey..." Mataman pa nitong tiningnan sa front mirror ang malungkot na mukha ng kabanda. "Was there anything bothering you?" alala pa nitong tanong.
"Huh?" Agad siyang nangapa nang isasagot. Lumilipad talaga ang utak niya. "May iniisip lang ako..." mapakla pa siyang ngumiti at muli ay tumingin sa kawalan.
"You can tell me. I'll listen." Seryoso pa nitong dinungaw ang kabanda na nakatingin sa labas ng sasakyan.
Humugot muna nang malalim na buntong-hininga si Minam bago ulit nagsalita.
"Papaano mo ba itatago ang nararamdaman mo sa isang tao nang hindi ka niya mabibisto?" Alanganin pa siyang tumitig dito.
"Hmm..." malalim pa itong nag-isip. "Do you like anyone?" Kunot-noo pa ito.
"Oo, pero hindi puwede. Kaya gusto kong pigilan," mapait pa niyang sabi.
"Bakit kailangan mong pigilan? You're an A.N.Jell. I don't think it was even possible na hindi ka magustuhan ng babaeng gusto mo," kibit-balikat pa nitong sabi. Sinusubukan lang din nito kung magsasabi ito sa kanya.
"Complicated... Baka masaktan lang din ako."
"Bakit ka naman masasaktan? Did you try telling her?" Kumunot ito at hindi nito mahulaan kung sino ang tinutukoy ng kabanda.
"No," mabilis pa niyang tanggi. "Baka lumayo lang siya sa akin. I don't think I can take that," malungkot pa niyang sabi. "By the way, natuloy bang samahan ni Tae Kyung si Heini?"
"You mean sa movie premiere?" Sinulyapan pa niya ito sa front mirror.
"Yeah," may kasama pang tango na sagot niya.
"Yup. Are they really together?" Nanunuri pa niyang pinanood ang ekspresyon nito sa front mirror. Parang nahuhulaan na niya ang nagugustuhan nito. Si Tae Kyung.
"Siguro," mapakla pa niyang sagot habang wala pa sa sariling nag-piggy nose ulit.
"What are you doing?" puna pa niya dito. Hindi nito maiwasan ang matawa. "You look like a pig..."
"Wala..." muli ay mapait siyang ngumiti at inalis muna ang daliri sa ilong.
"You like Heini?" Gusto lamang niyang makasigurong si Tae Kyung talaga ang tinutukoy nito. Lalo na nga't nakita niyang niyakap nito ang lalaki noong nakaraang gabi.
"H-Heini?" Taka pa siya pero agad ding bumawi nang maalalang lalaki siya sa paningin ni Shin Woo.
"Oh man..." Hindi naman maiwasang magselos ni Shin Woo sa pagkakita pa lang sa reaksyon nito. May gusto kasi siya kay Minam simula pa lang noong unang malaman niyang babae ito. "Papaano ba yan? Mukhang si Tae Kyung ang gusto ni Heini."
"Oo nga..." Mabilis pa siyang nag-iwas nang tingin. Mahirap din para sa kanya ang magsinungaling kay Shin Woo.
"Marami pa namang iba d'yan. You'll find the right woman for you," pampalakas loob pa nito.

BINABASA MO ANG
HE'S MY GIRL!
Teen FictionSi Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya lalaki katulad nang inaakala ng mga kasama sa grupo. Kakambal lamang siya... Nagkunwari siyang lalaki upang tulungan ang kapatid na hindi tuluy...