Chapter 17 - Part 3 of 3

10.8K 249 6
                                    

CHAPTER 17 - Part 3 of 3

"Ang gwapo pa rin talaga nitong si Tae Kyung..."  Ang Mama ni Shin Woo na titig na titig pa sa lalaki. 

Kasalukuyan silang kumakain ng merienda.

                "Thanks, Tita..."  Tipid namang ngumiti si Tae Kyung dito bago muling itinuloy ang pagkain ng salad. He was starving. Matagal din ang naging byahe niya.

                "Bagay na bagay sila ni Heini, 'no?"  Nakangiting baling pa nito kay Minam na ilang saglit na nablanko sa sinabi nito.

                "Po?"  Hindi niya malaman kung papaano magre-react lalo pa nga't masama ang tingin sa kanyan ng nobyo.

                "Hindi naman po sila ni Heini, Mama.  Publicity lang po iyon,"  salo na rin naman si Shin Woo.  Pilit na tinantiya kung alam na ni Tae Kyung ang sitwasyon nila ni Minam sa kasalukuyan.

                "Really?"  Kumunot ito na para bang hindi makapaniwala.  "Sayang naman. Bagay pa naman kayo talaga,"  nanghihinayang pang sabi nito.

                Sa halip na sumagot ay tipid lang na ngumiti si Tae Kyung. Saglit na umubo at inalis ang bara sa kanyang lalamunan.

                "'Di ka gumaya rito sa anak ko..."  Inakbayan pa nito si Minam.  "Ang ganda-ganda ng girlfriend, oh!" 

                Agad namang nasamid si Tae Kyung at bayolenteng napaubo. Taranta namang napatitig si Minam sa nobyo na namula nang husto ang mukha sa pagkakasamid.

Mabilis namang uminom ng tubig si Tae Kyung at matalim na tumingin kay Minam.

                "Are you okay?"  alala pang tanong ng Mama ni Shin Woo.

                "Yeah, I-I'm okay..."  Tumangu-tango pa siya rito kasabay nang pagsenyas ng aprub.

                "Ma, nakagayak na ba ang room ni Tae Kyung?"  pagbabago na lang ni Shin Woo nang usapan. Sobrang awkward nang kanilang pakiramdam.

                "Yeah, right beside Gemma's room," nakangiting sagot pa nito bago uminom nang kaunting juice.  "Ang lamig pa naman dito sa amin.  Baka mainggit ka lang at wala kang kayakapan man lang,"  nanunukso pa ring himig nito sabay tingin kay Shin Woo na mapakla namang napangiti.

                "N-no... it's all right,"  iwas naman din ang sagot ni Tae Kyung.  Bigla tuloy siyang napaisip kung nagyayakapan din ba ang dalawa bilang part ng pagpapanggap.

                "Wait. Kuha lang ako ng cam ng may souvenir man lang ang pagpunta n'yo rito."  Nagmamadali pa itong tumayo at mabilis na tumalikod para kumuha ng camera.

                "I'm sorry about that, Tae Kyung, but I'll tell her, don't worry,"  hingi rin naman agad nang paumanhin ni Shin Woo sa leader nila.

                Tumango lang si Tae Kyung at hindi na nagsalita. 


                Hindi naman din nagtagal ay bumalik na rin ang Mama ni Shin Woo na nakaplaster ang ngiti sa labi.

                "Umayos kayo. Tabi-tabi!"  Sumenyas pa siyang maglapit ang mga ito nang husto.  "Shin Woo, akbayan mong girlfriend mo!  Dali na!  Wala man lang ka-sweet sweet ang batang 'to."

                "Po?"  Agad pa siyang napatingin kay Tae Kyung na noo'y naninigas ang panga.

                "Dali na!"  Muli ay sumenyas ito.

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon