CHAPTER 16
Kinabukasan pagkagising ay hindi na malaman ni Minam kung papaaano ba papakiharapan si Tae Kyung. Hindi kasi niya masigurado kung magkasintahan na ba sila sa lagay na 'yun lalo na nga't wala namang ligawang nangyari sa pagitan nila. Kaya naman lahat nang paraang makaiwas ay ginawa na lamang niya. Nahihiya kasi siyang hindi niya mawari.
"Minam..." Si Tae Kyung na sa wakas ay nakahon ang babae. Kanina pa nito pansin na walang ginawa ito kundi ang umiwas sa kanya.
"Uy... b-bakit?" Alanganin pa niyang hinarap ang lalaki. Wala pa siya sa sariling napalunok nang mapagmasdan ang kagwapuhan nito. Walang dudang para siyang nauubusan nang hangin sa tuwing makakaharap ito.
"May problema ka ba?" kunot-noo pang tanong nito habang matamang nakatitig sa babae. Pansin niya ang pamumula ng pisngi nito.
"A-ako..?" Bahagya pa siyang umubo para pigilan ang panginginig ng boses. "W-wlala naman... b-bakit..?"
"Bakit?" Umismid ito at bahagyang umiling-iling. "Iniiwasan mo ba ako?"
"Iwas? Naku! Hindi naman! Bakit naman kita iiwasan?" dire-diretso pa niyang sabi na nakapagpatawa naman sa lalaki. Bandang huli ay kinagat na lang niya ang labi upang pigilan ang pagsasalita.
"Really?" Hindi yata siya kumbinsido. Humakbang pa ito mas palapit at kita niya agad ang pagkaalarma sa mukha nito. Pinigilan niya ang matawa nang malakas nang mapansin ang pamumutla nito. "Come..." Hinila pa niya ang nanlalamig na kamay nito papunta kung saan.
Wala namang reklamong napasunod na lang ang babae sa ginawa niya. Tinawag pa niya si Mr. Lin nang mamataan itong papunta sa opisina ni Mr. Han.
Saglit namang natigilan si Mr. Lin at sinalubong ang mga ito.
"Tae Kyung? Bakit?" takang tanong pa si Mr. Lin sa dalawa.
"Look closer..." Pilyo pa itong ngumiti at pagkunwa'y niyakap nang mahigpit si Minam sa harapan nito.
Agad namang nailagay ni Minam ang daliri sa may ilong nito!
Nanlalaki naman ang mga mata ni Mr. Lin nang mapagtanto ang nagaganap. Ilang beses nitong ibinuka ang mga labi para magsalita pero saglit ding nablanko.
"Minam?!" gulat pang tawag niya sa babae na namumula na ang mga pisngi.
"Airhead" nakangisi pang sabi ni Tae Kyung dito sabay mabilis na tinalikuran na ang dalawa.
"Minam?" Halos magdumilat si Mr. Lin sa nakayukong babae. "You mean to say, k-kay Tae Kyung ka in love?!"
Saglit na nag-angat nang tingin si Minam bago nahihiyang tumango. Alam niyang wala na siyang maitatago.
"Damn! All this time, inilalayo pala kita sa maling tao!" Hindi ito makapaniwala gayong mas maganda ang ugali ni Shin Woo kaysa kay Tae Kyung.
"Mr. Lin talaga..." Bahagya pa siyang ngumiwi rito.
"But what about Heini? 'Di ba girlfriend n'ya 'yun?" nagtatakang tanong pa rin nito.
"Nagpe-pretend lang daw po siya, eh. Na-blackmail daw po kasi siya nang dahil sa akin."
"Really?" Hindi pa rin ito makapaniwala. "To think Heini is so pretty. I-blackmail niya si Tae Kyung dahil lang d'un?"
BINABASA MO ANG
HE'S MY GIRL!
Teen FictionSi Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya lalaki katulad nang inaakala ng mga kasama sa grupo. Kakambal lamang siya... Nagkunwari siyang lalaki upang tulungan ang kapatid na hindi tuluy...