Chapter 11 - Part 2 of 2

12.3K 306 7
                                    

Published: January 9, 3013

CHAPTER 11 - Part 2 of 2

Hindi naman din nagtagal ay nakarating rin sila sa mansion. Naabutan nila ang Tita ni Minam na panay ang iyak habang nagku-kuwento kina Mr. Lin at Mya.

"Ang tagal-tagal kong naghahanap sa inyong magkapatid. Kaya nang mapanood kita sa tv, gayon na lang din ang pasalamat ko," emosyonal pang sabi nito habang panay ang punas ng luha. Bahagya lamang itong natigilan nang makita ang mukha nang iba pang kasamahan ni Minam.

"A-ang gu-gwapo pala talaga nila sa personal..." Panandali itong nawala sa page-emote at sa halip ay parang kinilig pa sa mga nakapaligid dito.

Agad naman ding binati nila Tae Kyung ang Tita ni Minam.

"You might want to stay here for a while para naman magkasama kayo ni Minam," suggest pa ni Mr. Han.

"Talaga po?" ligayang-ligaya naman si Selya. Ang kapatid ng Mama ni Minam.

"Yeah, they had their parents live here too for quite sometime." Pinasadahan pa niya nang tingin ang bawat miyembro ng banda.

"You can stay at Minam's room-" bahagya pa itong natigilan at nagkamot ng ulo. "I forgot, lalaki ka nga pala. Maybe you can stay with Jeremy's."

"Mr. Han naman," maktol pa ni Jeremy. "Ang sikip-sikip na nga sa kwarto ko, e."

"Okay, okay... What about Shin Woo?" Baling pa nito kay Shin Woo na nakadirekta kay Minam ang tingin.

"Maybe you have to ask, Minam." Alanganin siya lalo na nga't alam niyang kay Tae Kyung ito tila mas komportable.

"Okay, Minam, whom do you want to share room with?" Binalingan ni Mr. Han si Minam na tila hindi malaman ang isasagot.

"Kay... Tae-" Hindi na niya naituloy ang sana'y sasabihin dahil binara na siya kaagad ni Tae Kyung.

"No!" Nag-angat agad ito ng daliri at sumenyas ng hindi. "You're not sharing room with me. No way!" Panunuplado pa nito.

"Tae Kyung naman, e," sumamo pa niya sa lalaki na mukhang maninikis pa.

Agad naman ding nabago ang aura ni Shin Woo. May nababasa siya sa kakaibang aura ni Minam pagdating kay Tae Kyung.

"Oo nga, Tae Kyung, ikaw ang may pinaka-malaking room. Tama lang na sa iyo maki-share si Minam. Saglit lang naman 'yun. Ipapaayos ko na lang ang isang kwarto ulit," si Mr. Han na sinang-ayunan rin naman si Minam.

"Ayoko nang may maingay sa kwarto ko." Dinilatan pa niya ang babae na panay pa rin ang nagsusumamong tingin sa kanya.

"Okay, fine!" Iiling-iling pa si Mr. Han. "Minam will be sharing room with me. Malungkot din namang nag-iisa sa kwarto."

Agad namang namilog ang mga mata ni Minam at saklolong tumitig kay Tae Kyung na pigil ang ngisi.

"Naku! Hindi na po!" tanggi naman ni Minam at si Tae Kyung ulit ang binalingan. "Tae Kyung, please, please," pagmamakaawa pa niya.

"Minam..." Naniningkit pa niyang tinitigan ang babae. "Fine, he's sharing room with me." Kunwari ay aburido niyang sagot kahit na sa totoo lang naman ay iniinis lang din niya ito. Kahit naman hindi mamili si Minam ay alam niyang siya ang pipiliin nitong makasama sa kwarto lalo na nga't siya lang din ang nakakaalam na babae ito.

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon