Chapter 9 - Part 1 of 2

20.1K 367 9
                                    

CHAPTER 9 - Part 1 of 2

Itong araw na ito ang first recording ni Minam kaya't medyo kabado pa rin siya. Tutok ang lahat sa gagawin niyang pagkanta.

"Kaya mo 'to Minam!" sabi pa sa kanya ni Mr. Han.

"Thank you po..." alanganin pa rin siya lalo na nga't ni minsan ay hindi pa siya napuri ni Tae Kyung sa ginagawa niyang pagkanta. Nakukulangan daw ito sa emosyong ipinapakita kita. Hindi tuloy niya malaman ang dapat na gawin dahil ibinibigay naman niya ang lahat.

Mas nakadagdag ng kaba sa kanya nang biglang dumating ang tatlo niyang kasamahan sa banda. They were trying to cheer her up. Sa tingin niya'y mas lalong naningkit ang mga mata ni Tae Kyung sa kanya. Tila nagbabantang lagot siya kapag hindi niya nagawang makanta nang maayos ang komposisyon nito.

At kahit kulang na lang ay himatayin siya sa kaba ay ibinigay niya ang lahat-lahat para makakanta iyon nang maganda. Mahinang nagpalakpakan ang iba niyang mga kasamahan maliban kay Tae Kyung na lukot pa rin ang mukha. Alam niyang hindi magandang komento ang ibibigay nito.

Tulad nang inaasahan, hindi satisfied si Tae Kyung sa pagkanta niya. Agad din siyang sinenyasan ni Mr. Lin na lumabas muna matapos kausapin ito ni Mr. Han. Hinila siya nito palayo sa karamihan para kausapin nang masinsinan. Mas lalo tuloy siyang kinabahan.

"You know, Minam..." bwelo pa nito. Para bang nangangapa ito ng mga tamang salita. "You sang really good, but..." ibinitin pa nito ang sasabihin at bahagyang ngumiwi. Pilit na tinatantiya ang mararamdaman nang babae. "May kulang e, 'yung... 'yung..." Nangangapa pa ito at hindi malaman kung papaano ipapaliwanag nang maayos. "Damn, how can I explain this to you," Malalim pa itong nag-isip. "Ah, wait... was there anyone here na hinangaan mo?" interesado pang tanong nito.

"Crush?" kunot-noo pa siya.

"Yeah! Crush!" nagliwanag ang mukha nito.

Marahan pa lamang umiling.

"No one?" Kumunot pa ito. Halata na ang desperasyon sa mukha. Pati kasi siya ay kinakagalitan ni Tae Kyung.

"Or maybe, like mo? Kahit sa personalidad?"

"Ano po ba pakiramdam n'un? Yun po ba 'yung parang naguguluhan ka sa nararamdaman mo sa tuwing nakakasama mo siya? Tapos parang naninikip ang dibdib mo? Minsan, kahit hindi kumakain biglang sinisinok?" Curious pang tanong niya lalo na nga't bago sa kanya ang ganoong pakiramdam.

"You feel that with someone here?" kunot-noo pa ito.

"I think so..."

"That's a sign, Minam..." Nagliliwanag pa ang mukha nito.

"Sign?" taka pa siya.

"Sign that you're falling in love..."

"Me, inlove?" hindi siya makapaniwala.

"Do you mind if I ask who?"

"P-pero..." nag-alangan pa siya at bahagyang natigilan nang biglang mapadaan si Shin Woo at sumenyas sa kanyang kaya niya.

Simple lamang na ngumiti si Minam dito at bumuntong-hininga.

Lihim namang napangiti si Mr. Lin sa nakitang interaksyon nang dalawa. Sapat na nakita niyang iyon upang hindi na pilitin ang babae.

"I don't want you to get hurt, Minam, but I suggest, this early, you need to control your emotions." payo pa nito.

"Po?" kunot-noo pa siya.

"You can't get distraction, Minam. I'm sorry. Lalo na at nagbabalak kang pumunta ng Rome para ituloy ang pagmama-madre mo hindi ba?"

"Opo, sana..." tumangu-tango pa siya.

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon